Chapter 60. Aww (walang maisip haha)
Kim's POV
"Tada!!!" Inabot ko kay Shiro yung bilog na box na nakabalot ng red na gift wrapper tapos may ribbon na white sa tuktok, gift ko sa kanya. Hihi
"Ang sweet naman ng girlfriend ko." Ngumiti siya sabay abot habang diretso lang na nakatingin sa daan. Papunta kasi kami sa bahay nila Troy, dadaan lang kami dun para magdala ng pagkain, pinapadala kasi ni mama. Tsk. Itong si mama, nagiguilty yata kasi laging si Troy yung bukambibig niya. Dapat kasi iimbitahin talaga namin siya sa bahay kagabi kaso wala, hindi naman sinasagot yung tawag.
"Buksan mo na!!! Dali na!!!" Sabi ko.
"Mamaya na..." Ngumiti siya. Amp nu ba yan. Gusto ko pa naman makita yung reaksyon niya pag nakita niya yung gift ko sa kanya...
****
"Sino pong pupuntahan nila?" Tanong samin ng guard na nakabantay sa may gate ng village.
"Kila Troy Chavez po," sagot ni Shiro.
"Ay wala pong tao sa bahay nila, umalis po silang lahat." Eh? Kelan pa?
"Huh? Kelan pa sila umalis? Saan sila pumunta?" Tanong ni Shiro.
"Si ma'am Hanah at yung babae niyang anak, nung isang linggo pa umalis tapos si Sir Troy naman, kaninang madaling araw lang. Sa Korea daw eh."
"Ganun po ba? Sige ho, salamat!" Sabi ni Shiro sabay inatras na niya yung sasakyan.
Nagtinginan kami... Pareho kaming sumimangot. Sayang naman yung pagkain.
Teka... Alam na kaya ni Dia? Nag-usap kaya sila? Tawagan ko nga!
*RING*
*RING*
Jusko antagal sagutin!!!
Ayun! Sinagot din sa wakas!
"Hello, Dia?"
[oh ate?] paos siya? Parang kakagising niya lang ah?
"Nakausap mo na ba si Troy?"
[.......] ay? Walang sagot?
"Huy! Hindi ba niya sinagot yung tawag mo?" Tanong ko.
[sinagot]
"Anong sabi?"
[wala]
"Huh? Anong wala? Ano nga kasing sabi?"
BINABASA MO ANG
When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)
Teen FictionDia is a carefree and simple young lady until someone came into her life and gave her a rollercoaster of emotions that she had never felt before. Will she be strong enough to face the consequences before reaching the road to forever?