Chapter 4. Fallin'

2.3K 35 9
                                    

Chapter 4. Fallin'

Dia's POV

"Ah, hehe." Nginitian ko siya ng awkward. Bakit siya nagsosorry? Gusto ko sana siya tanungin kung bakit siya nagsosorry at kung anong nagawa niyang masama sa'kin. Pero naisip ko agad yung hininga ko, baka maamoy niya. Maarte pa naman yata siya kasi nga...beki siya.

"Were you hurt?" Tanong niya.

"Huh?" Ayan gusto ko ulit tanungin kung anong hurt ang pinagsasabi niya.

"Yesterday. Were you hurt? I saw the video." Sabi niya.

Ah. Gets ko na yung ibig niyang sabihin! Umiling-iling agad ako. Ang dami ko sanang gustong ikwento sa kanya pero hindi ko magawang ibuka yung bibig ko. Gusto ko ikwento yung ginawa ko dun sa dalawang oso. Hihi

"Dia, kain muna kayo doon. Yayain mo siya." Sabi ni mama na papalabas na sana sa pinto, may hawak siyang tray ng cupcakes na dadalhin niya sa cake shop.

"Opo." Sagot ko. "Tara kain?" Matipid kong sabi kay Troy.

"Im fine, thanks. I just came here to say sorry." Sabi niya.

Ganun? Dahil lang dun? Ang weird naman neto. Magsosorry lang pala eh. Sana tinext niya na lang ako.

Ay wala nga pala siyang number sa'kin.

"Oh? Bakit hindi pa kayo kumakain. Kain muna kayo." Sabi ulit ni mama nang makabalik siya. "Iho, wag ka mahiya. Tara! Kain tayo!" Sabi niya sabay akay sa kamay ni Troy. Ano ba naman 'tong si mama.

Hinila ko si mama palayo sa kanya. "Ma, hayaan mo na siya umuwi."

"Ano ka ba Dia! Dapat inaasikaso mo siya. Boyfriend mo yan diba."

"Ma! Hindi ko siya boyfriend." Bulong ko kay mama.

"Sinabi na sa'kin ng ate mo yung tungkol sa pagboboyfriend mo. Wag kang mag-alala, okay lang naman sa amin ng papa mo. Kung saan ka masaya, susuportahan ka namin tsaka malaki ka na rin naman." Ngumiti si mama tapos nalipat yung tingin niya kay Troy. "Buti pala nakabalik ka na galing Korea, ilang months na ba kayo ni Dia? Hehe. In denial kasi 'tong baby girl namin." Dagdag pa ni mama.

"Ma!" Saway ko kay mama.

"Bakit? Dali na! Kumain na muna tayo!" Sabi ni mama sabay hila niya sa braso namin ni Troy papunta sa kusina.

"Aish!" Napatingin ako kay Troy, blangko lang yung expression ng mukha niya.

"Upo ka iho," sabi ni mama kay Troy sabay hinila niya palabas yung upuan. Ngumiti naman si Troy at umupo na din. Dun siya nakaupo sa kabisera. Naupo na din ako sa pwesto ko, one seat apart kay Troy. Oblong kasi yung lamesa.

"Wait lang ha? Maiwan ko muna kayo." Sabi naman ni mama.

Nakaayos na yung dining table, may fried rice at sunny side up eggs na din na nakahain.

Dead air.

Walang nagsasalita sa aming dalawa. Nauna na akong kumuha ng kanin.

Maya-maya lang ay lumabas si manang Silvia galing sa kusina, maingat niyang inilapag yung dala niyang bowl na may lamang adobong manok sabay napatingin siya kay Troy.

"Troy po," sabi naman ng isa tapos inilahad niya yung kamay niya. Dali-dali namang pinunas ni manang yung kamay niya sa damit niya bago makipagshakehands kay Troy.

Kailangan talaga makipagshakehands? Tatakbo ba siya sa eleksyon?

"Kumain ka na," sabi ko sa kanya. Hindi pa kasi siya kumukuha ng pagkain. Ayaw ba niya ng ulam namin? Ang sarap kaya ng adobo ni manang.

When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon