Chapter 36. Grounded Version 2.0

1.2K 12 2
                                    

Chapter 36. Grounded. Version 2.0





Dia's POV





"Anak, okay lang yan. Alam mo naman yung lolo mo," sabi ni mama habang sinusuklay ang buhok ko gamit yung daliri niya. Kanina pa ako hindi bumabangon. Actually, kahapon pa pala ako hindi lumalabas ng kwarto ko. Si ate kaya? Lumabas na kaya siya ng kwarto?





"Ang unfair naman kasi mama, wala naman kaming ginagawang masama," sabi ko kay mama. Medyo naiiyak na ko.





"Alam ko naman yan, ganito nalang...tatawagan ko si Troy mamaya, sasabihin kong magkita kayo after class para makapag-usap kayo, okay?"





"Talaga po? Waaaah! Mama, sabihin mo sa kanya magkita kami sa pool area ng school, saktong 9. thank you mama!" Niyakap ko si mama ng mahigpit. Ang bait niya talaga grabe. Siya na yata ang pinakamabait na mama sa buong mundo.





Tumayo na ako para maligo. Atat na akong pumasok sa school. Kailangan ko kasi talagang makausap si Troy ko. Hindi ko siya natext ng buong araw kahapon. Grr!





"Ang aga mo yata?" Sabi ni papa. Tse! Galit ako sayo papa. Kaya deadma lang muna. Siya na ulit ang maghahatid sakin. Nakakainis talaga. Saan kaya niya tinago yung cellphone namin ni ate? Kainis kaninis! First time ko makuhaan ng cellphone!





May biglang kumatok sa pinto... Binuksan naman kaagad ni manang Silvia.





"Good morning po!" Napalingon ako.Anong... Anong ginagawa niya dito?!





"Oh hi Mr. Rivera!" Masiglang bati ni lolo kay... kay..





GRRR, biglang nag init yung dugo!



Kay Dwight. ∑(゚Д゚)





Bakit nandito siya? At bakit kilala siya ni lolo!? Ugh! Pero bakit naman uminit agad yung dugo ko?





"Dianna, this is Mr. Rivera, for the meantime siya muna ang magbabantay sayo." Sabi ni lolo.





"Ano?!" Bantay? Ano ako? Kinder? Tsaka si Dwight? Bakit siya pa!?





"You don't have the right to complain, d'you understand? And one more thing, tone down your voice." Sabi ni lolo. Grrrr! Hindi naman gaanong malakas yung pagkakasabi ko eh. Umagang umaga sermon agad. tsk!





"Pero lolo,"





"Anak, wag ka na magreklamo. He's your bodyguard for the meantime. Ituring mo siyang kuya dahil kuya siya ni Leigh. I know kilala niyo na ang isa't-isa, but I won't tell your lolo na magkakilala kayo, okay?" Sabi papa. si lolo naman, nagwalkout na. napakasuplado talaga. Bodyguard?! Ang richkid na yan?! What the fuuuuuu!!! Tsaka as if naman natutuwa ako na siya ang magbabantay sakin! Mas mabuti pa nga kung hindi ko nalang kilala yung 'bodyguard' ko. At kelangan may bodyguard talaga? Ano ako? Ginto?

~0~





"Ba't ang tahimik mo?"





Hindi ako sumagot. Hinatid niya ako sa school gamit yung kotse niyang blue BMW na nasobrahan sa pagkaglossy. O baka talagang bagong bili lang?





"Uy. Ang sungit naman nito. Akala ko ba friends na tayo?" Sabi niya. Hindi ba niya naisip na nagtataka ako kung bakit siya ume-epal sa buhay ko ngayon?





"Bakit ka ba kasi...ano---Ah wala wala!!!" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil ewan ko ba parang hindi ko siya kayang kausapin. Oo na, ang arte ko! Naiinis ako sa sarili ko.

When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon