Chapter 68. last gasp
Troy's POV
"Makipagbalikan ka na kasi sa kanya. Isang buong linggo na daw siyang umiiyak sabi ni Kim. Kelan mo ba siya balak balikan?" Tanong ni Shiro habang binubuksan yung tv. It's been three days since we broke up... Surprisingly, it's not that hard to move on just like what I saw in movies. Guys drinking in bars, hooking up with girls they've just met, and stuff like that after a break up. I was about to try those things but I realized how it will only mess things up. It's when I realized that girls do really have a huge advantage during break-ups 'cos they can bravely tell everything to their female friends about what the hell just happened, share some tears and get the sympathy they wanted though they were the ones who did wrong.
"Malabo na." I answered, trying to avoid further questions. See, it's really awkward kahit pa close kami. Pero siya(Dia), siguro nakwento na niya lahat ng nangyari sa bestfriend niya or sa ate niya at sa huli, sa mata nila, ako pa din ang lalabas na masama dahil sinaktan ko siya.
"Malabo? Na mahal ka niya? At mahal mo siya? Anong malabo dun? Ano ba kasi talagang dahilan? Naguguluhan din daw kasi si Kim kay Dia." Tanong pa niya. Ano kayang sabi niya sa ate niya? Na nakipagbreak ako ng walang dahilan? Siguro hindi niya sinabi yung totoo. Tsh.
"Basta..."
"Dahil ba sa military? Pwede namang idelay yun diba? Dual citizen ka naman eh."
"Hindi. Hindi yan yung issue." Pero noong una, yun naman talaga yung issue, pero pilit kong ginawan ng paraan.
"Alam na ba niya yung tungkol dun?"
"Hindi niya alam."
"Bakit hindi mo sinabi?"
"Sasabihin ko naman sa kanya but I was trying to build our relationship stronger first. Kaya nga sinama ko siya sa Korea." Sagot ko.
Bago ko pa siya niyayang pumunta sa Korea, I was already scheduled to go there. May mga kailangan kasi akong asikasuhin para sa enlistment sa military pero nung nalaman ni dad na kasama ko siya (Dia), inayos na niya lahat ng papers para pagdating namin, signature ko na lang ang kailangan kahit ang gusto talaga ni dad, ako ang mag ayos nun para daw magkaroon ako ng sense of responsibility. But he knew how much I love her and how much I wanted to be with her before I get drafted.
"Yun naman pala. Eh bakit ka nakipagbreak?" Tanong ni Shiro.
"If you happened to be in my position, Magkasama sa States yung girlfriend mo at yung lalaking may gusto sa kanya ng ilang araw sa iisang bahay, and when they went back here, you'll just see them hugging and that guy giving her a forehead kiss. Anong gagawin mo? Matutuwa ka ba?" Fuck this. Kaya ayoko ng mga ganitong usapan eh. Ayokong naglalabas ng sama ng loob. Mas lalo ko lang nararamdaman yung sakit. Tsaka di ko din naman kailangan ng advice, mas lalo lang magugulo yung isip ko.
He didn't answer. Sa palagay ko, narealize niya na tama yung ginawa ko, na kung sa kanya nangyari yun, masasaktan din siya at yung sakit na yun yung magpaparealize sa kanya na hindi na siya masaya dahil nakakapagod na.
"Masyado ka namang rational! Sa pagmamahal, hindi dapat yan ang pinapairal." Sabi ni Jiro na nagtitreadmill. Nakikinig din pala siya sa usapan namin.
"Tumahimik ka." -Shiro sabay hagis ng unan kay Jiro tapos humarap siya ulit sakin. "Alam mo bro, wala na akong masabi. Akala ko ba hindi niya gusto yung Kace na yun?" Sabi niya sakin.
"Maybe she was confused. At baka pag nawala ako ng 2 years, yung confusion na yun, mapalitan ng conviction." Kaya okay na din siguro yung ganito.
BINABASA MO ANG
When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)
Teen FictionDia is a carefree and simple young lady until someone came into her life and gave her a rollercoaster of emotions that she had never felt before. Will she be strong enough to face the consequences before reaching the road to forever?