(A/N: at dahil di ako nakapag UD last sunday, dalawang chapters yung UD ko ngayon. Btw, Happy 10K reads sa WHEMM yihihihuhuhi ^*^)
Chapter 50. Ah...eh ~_~ (wala akong maisip na title sa chapter na to. Shhh hahahaha)
Dia's POV
"Sorry na. Kasi akala ko sila yung nasa balita kanina eh." Nagpout si mama habang nag eexplain. Awtsu >*<
"Mama naman! Pinakaba mo naman kami. (-___-)" sabi ni ate na kinakain na yung dalang burger ni mama.
"Wait lang Dia ha? Puntahan ko lang si Kuya." Paalam ni Leigh tapos lumabas na siya.
Tiningnan ko si Troy...
Nakatingin siya sa bintana? Anong meron sa bintana?
"Troy, ano bang tinitingnan mo dyan?" Tanong ko.
"Nothing." Nothing?
"Achichichi. Sabi mo papakasalan mo ko kahit patay na ko! (^O^)" pang-aasar ko. Hihi totoo naman kaya yung sinabi ni Troy na yun? Kung pwede lang magkunwari na patay ako eh, para mapatunayan ko kung totoo yung sinabi niya. Psh!
"........" Hindi siya sumagot, tumingin ulit siya sa bintana. Naku naku ano bang meron, ha? Eh kanina lang naiiyak na siya dyan.
"Naku. Syempre kinabahan din yang si Troy. Alam mo naman kung gaano ka kamahal nyan di'ba?" Sabi ni mama. Napatingin ulit ako kay Troy. Hala namumula siya halaaa. *_*
"Kung bakit ba kasi mali-mali yung nasa balita eh!" Dagdag ni mama. Yung balita pa talaga yung mali ah. Tsk
"Labas lang ako." Sabi ni Troy tapos ayun lumabas na siya. Problema nun? Buhay naman ako ah? Ayaw niya ba? Gusto niya patay na ko para mapakasalan na niya ako, ganun ba? HMP!
Bumukas bigla yung pinto tapos...
"ASAN ANG APO KO?! ANONG NANGYARI? WAAAAH!!!T__T" aish? Si lola? Ngayon nga pala yung balik nila galing sa 'honeymoon' kuno nila sa Tagaytay. Nasa likod niya si lolo.
"Ma, hindi patay si Dia. Mali pala yung nakita ko sa balita...akala ko sila yun eh." Sagot ni mama.
"ANO? BUTI NA LANG!!! KAWAWA NAMAN ANG APO KO. HUHUHU!" Sabi naman ni lola. Haaaay bakit ba ang daming nakakaalam na patay na ko? Nag GM ba si mama sa kanilang lahat? Shet lang. -___-
"Si Dwight? Asan siya?" Tanong ni lolo. Concern talaga si lolo kay Dwight, eh nu?
"Nasa kabilang kwarto daw po. Okay lang naman daw po siya." Sagot ko kay lolo.
***
After mga 30 minutes... Umuwi na muna sila lolo at lola dahil kakagaling lang din nila sa byahe tapos dito agad sila dumiretso.
Tumayo ako sa kama ko... Asan na ba yung Troy na yun? Tsk
"Saan ka pupunta? Hinahanap mo ba si Troy? Tinext ko siya,may bibilhin lang daw." Sabi ni mama. Amp tinext pa talaga.
"Puntahan ko lang po si Dwight." Sagot ko. Buti na lang hindi naman masyadong masakit yung paa ko kaya nakakalakad naman ako ng maayos. Puro galos lang kasi yung nakuha ko. Gusto ko malaman kung kamusta si Dwight. -_-
Dwight's POV
Nagising ako tapos naramdaman kong nakahiga ako. Pilit kong idinilat yung mga mata ko kahit medyo masakit. Hindi ko din maigalaw yung katawan ko. Parang nabugbog ako...mas sobra pa.
Si Dia!
"ASAN SI DIA?!" Sigaw ko. Hindi ko maigalaw yung leeg ko kasi may nakalagay na neck brace, kaya hindi ko din alam kung may tao ba sa loob ng kwarto.
BINABASA MO ANG
When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)
Teen FictionDia is a carefree and simple young lady until someone came into her life and gave her a rollercoaster of emotions that she had never felt before. Will she be strong enough to face the consequences before reaching the road to forever?