Chapter 43. Papasok o hindi
Tiffany's POV
Ang hirap pala ng ganito... It's clear how much he loves that girl.
Bawat araw pinapamukha niya sakin kung gaano niya kamahal yung babaeng yun.
And here I am again, stalking and hurting. Natatakot kasi ako na baka bigla niya nalang akong iwanan, kaya kahit gaano pa kasakit, ginagawa ko lahat para masundan sila... Para mapigilan kung ano mang binabalak nila or whatsoever.
"Miss? Okay ka lang?" Nagulat ako sa lalaking nagsalita sa harap ko. Nakayuko lang ako at nakaupo sa may bench sa harap ng bahay ng babaeng yun. Hanggang ngayon hindi pa din siya nakakalabas ng bahay nila. Kagabi pa 'ko nandito at wala akong balak umalis hangga't hindi ko siya nakikitang lumalabas.
Hindi ako tumango para tingnan siya. Medyo natakot din kasi ako. Baka mamaya... Mumu pala or something like that. Silly na kung silly. Pero ewan ko ba kung bakit hindi ko nacontrol yung ulo ko to take a glance at him.
I took a quick glance at him... Mukha naman siyang harmless. Matangkad siya, tapos sobrang masculine ng mukha niya.
"Oo naman." I awkwardly replied tapos iniwas ko na yung tingin ko sa kanya. Umiiyak nanaman pala ako. Pinunasan ko kaagad yung mukha ko.
"Umiiyak ka eh." Sabi niya tapos yumuko siya para tingnan yung mukha ko.
"Im not." Sagot ko. Pinunasan ko ulit yung luhang kakapatak lang tapos tiningnan ko siya. May dala-dala pa siyang maleta tapos nakasuot siya ng jacket.
"Yes, you are. I think I've seen you before. 'Di ko lang maalala kung saan." Sabi niya. Tss. Same old tactics ng mga lalaki.
"Really?" I replied. Wala naman kasi akong maisip isagot.
"Taga dito ka ba sa village namin?" Tanong niya. Actually, nagtaxi lang ako papunta dito.
"Um...I have to go." Sagot ko tapos tumalikod na ko.
"Wait." Hinawakan niya ko sa kamay.
"It's cold, right? Isuot mo muna 'to." Hinubad niya yung suot niyang jacket tapos pinatong sa likod ko. Tinapik niya din ng mahina ang magkabila kong braso.
"Thanks." Nagsmile ako sa kanya.
"David." He said while extending his right hand.
"Tiffany." Nakipagshake-hands ako sa kanya.
"Alam mo, sumama ka nalang muna sakin." He said. Bigla niya na lang hinawakan yung right hand ko and then he started dragging me. Hindi ako naka-imik dahil sa gulat ko. Hila-hila din niya sa kabilang kamay niya yung dala niyang maleta.
I was startled when I've realized that we're standing right in front of that girl's house. Who exactly is this guy? Shit! If Im not mistaken, this guy might be that girl's brother.
"Tara! Pasok ka!" Sabi niya pagkatapos niyang buksan yung pinto.
I was about to reject his offer when I felt something... Ugh I hate it! Bakit ngayon pa ako naihi! Darn it!
"Okay. Pwede makigamit ng cr?" I asked.
"Sure! Doon." He calmly answered habang tinuturo kung saan banda yung cr. He turned on the light sa may kusina. Mukha siyang mabait kaya alam kong wala siyang binabalak na masama sa'kin. After all, Im pregnant...hindi nga lang halata. Mukha lang akong tumaba ng konti.
"Thanks." I replied.
Nasa loob na ako ng cr ngayon. After this, uuwi na talaga ako. I knew it, Troy spend his night here. I even saw his car near the guard house. Jeez! He's insane! Magkatabi kaya silang natulog? May nangyari na kaya sa kanila? Darn it!
BINABASA MO ANG
When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)
Teen FictionDia is a carefree and simple young lady until someone came into her life and gave her a rollercoaster of emotions that she had never felt before. Will she be strong enough to face the consequences before reaching the road to forever?