Chapter 61. I miss youShiro's POV
Ganito pala yung feeeling kapag sigurado ka na sa sarili mo na... SIYA NA. Yung feeling na, hindi mo na kailangan pang mag-isip ng kung anu-anong dahilan para patunayan sa sarili mo kung siya ba talaga yung babaeng para sayo kase tinitingnan mo pa lang siya, nararamdaman mo na kaagad yung spark. Yung bigla na lang lumalabas yung pagiging sweet mo kahit hindi ka naman talaga ganun dati.
"Kuya, sayo ba 'to? Naiwan mo sa kotse." Nagulat ako ng biglang pumasok si Jiro sa kwarto. Hawak-hawak niya yung red na box. Onga pala! Regalo nga pala ni Kim yun! Nakalimutan kong bitbitin kanina.
Tumayo ako kaagad, nakasandal kasi ako sa kama kanina. "Oo, akin na!" Mabilis kong kinuha yung box sa kamay niya. Delikado, baka mamaya buksan niya pa.
"Asus! Iba ka na talaga kuya! Hahaha!" Tumawa siya sabay labas. Iba? Anong iba? Tch. Baliw talaga yun!
Ano kayang laman nito? Tinanggal ko yung ribbon na nakapulupot sa box tapos binuksan ko na...
Libro? Tapos may mga cut-outs ng maliliit na heart-shaped na papel.
Pero bakit walang title? Tsaka mukha siyang... Scrapbook. Color Red yung cover tapos may mga glitters glitters pa.
Binuklat ko na...
Sa unang page ng libro, may nakalagay na...Haha! Teka napangiti ako bigla. Hehe napakacute talaga nitong si Kim.
~ Shiro & Kim's Lovestory ~
Sa mga naunang pages, puro picture lang niya na nasa gig at concert namin siya... Tapos may mga captions din na nakalagay. Ang cute lang.
Ahaha! Nakakatuwang basahin. Nag effort pa talaga siyang gumawa nito. Iba-ibang shapes pa yung pagkakagupit sa mga pictures. Hahaha! Ang cute namin sa pictures! Hindi ko mapigilang ngumiti habang binabasa ko yung mga captions. Hahaha!
Kinikilig ba ko? Bumilis kasi yung tibok ng puso ko. (>_<) ganun ba pagkinikilig? Pa'no ba malaman pag kinikilig ka? Pambabae lang ba yun?
***
"Mahilig ba si Akira sa accessories?" Tanong ni Lexy.
BINABASA MO ANG
When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)
Teen FictionDia is a carefree and simple young lady until someone came into her life and gave her a rollercoaster of emotions that she had never felt before. Will she be strong enough to face the consequences before reaching the road to forever?