(BAGO ANG LAHAT, KINIG MUNA KAYO NG KANTA SA GILID, PLEASE PARANG AWA NYO NA. T___T CRY by MANDY MOORE)
Chapter 57. Bye Troy
Dia's POV
Pababa na sana ako ng hagdan pero napatigil ako nang makita ko sa baba si tita Sheryl (yung mommy ni Kace) na saktong papalabas na rin ng pinto. Hinintay ko munang makalabas siya bago ako tuluyang bumaba ng hagdan.
"Oh, gising ka na pala. Kakaalis lang ng mommy ni Kace." Sabi ni papa.
"Ah. Hehe." Ngumiti lang ako sabay nagkamot ng ulo tapos umupo ako sa sofa at nagbukas ng tv.
"Bukas na nga pala kayo aalis." ANO?
"PO?!" Napatayo ako, nanlaki yung mga mata ko tapos kumunot yung noo ko. (O_O)
Tiningnan lang ako ni papa.
"Bukas na agad? Bukas na kami aalis? Paano ako magpapasko? Haalaaa papa ayoko!!! Sabihin mo baka pwede sumunod na lang ako after Christmas. Sige na papa. Iparebook mo na yung ticket!!! Dali na, please?" Lumuhod ako sa harap ni papa. Gusto ko sana umiyak para mas nakakaawa ang dating kaso walang ni isang butil ng luha ang pumatak sa mga mata ko. So hindi na nga talaga labag sa loob ko yung pagsama ko kay Kace? >_<
"May pasko din naman dun nak, tsaka isang pasko mo lang naman kaming hindi makakasama. Nakaschedule na kasi yung surgery ni Kace before New Year. Ito na yung ticket mo oh. Tingnan mo na kung anong oras yung departure niyo." Inilapag ni papa yung envelope na may laman daw na ticket sa lamesa sa harap ko.
"Yung lola na lang daw ni Kace na professor sa Princeton ang mag-aayos ng papers mo sa school incase na hindi kaagad kayo makabalik." What the?! So ibig sabihin matatagalan kami doon? Ilang araw ba kasi siyang gagamutin doon? Weeks ba? Months? Waaaah! Wag naman sana umabot ng isang taon (0_0) Dahil baka ako naman ang sunod na magkakaproblema sa utak.
Napaupo ako ulit sa sofa. Dahan-dahan kong kinuha yung envelope.
"Nasa mall nga pala yung mama mo at si manang, nagsashopping ng mga dadalhin mong damit. Malamig kasi doon kaya kailangan mo ng mga panlamig na damit. Sige, alis na muna ko. Late na ako sa ospital. Ayusin mo na din yung iba mong gamit na dadalhin. Ayusin mo na yung passport at visa mo." Kiniss ako ni papa sa tapos naglakad na siya palabas ng bahay. Ayoko na. Si manang yung sinama ni mama kasi alam T__T
BINABASA MO ANG
When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)
Ficção AdolescenteDia is a carefree and simple young lady until someone came into her life and gave her a rollercoaster of emotions that she had never felt before. Will she be strong enough to face the consequences before reaching the road to forever?