Chapter 9. Cupcakes

2K 24 3
                                    

Chapter 9. Cupcakes

Dia's POV

Huh? Owe? Me? A kiss?

Wrong send?

Tinago ko na yung cellphone ko kasi dumating na yung prof namin at nagsimula agad magdiscuss.

*
Naglalakad kami ngayon ni Leigh papunta sa parking area ng school kung saan nakapark yung sasakyan namin, sasabay kasi ako umuwi kay kanya.

"Una na kami, friendship ha? Thanks dito sa Chips ahoy!" Nagwave ng kamay si Leigh tapos sumakay na siya sa SUV nila. Binigyan ko nga pala siya ng Chips ahoy, kinuha ko dito sa relief goods na bigay ni Troy.

*RING*

May tumatawag... Yung number na nagtext kanina. Kunot-noo kong pinindot yung ANSWER button.

"Hello?"

[Hey.] lalaki?

"Sino 'to?"

[It's me.] boses ni...

"Troy?"

[Are you still in school?] si Troy nga. Wala naman kasi akong ibang nakakausap na nag-eenglish.

"Um, wala na eh." Sagot ko.

[Where are you?]

"Nasa bahay ng classmate ko." Pero ang totoo, nasa may parking na ako. Ba't hindi ko mahanap yung sasakyan namin? Ang daming red na kotse pero hindi ko makita yung amin. Kay papa kasi yun, pero dahil wala siya, si kuya muna yung gumagamit.

[Really?]

"Oo."

May biglang humawak sa siko ko kaya napalingon ako.

"Ah, hehe. Hi?" Awkward akong ngumiti. Nandito pala siya. Sinusundo niya ba ako? "Ano kasi, papunta pa lang kami sa bahay ng classmate ko para gumawa ng project!" Paliwanag ko. Teka, ba't ba ako nag-eexplain? "Ba't mo nanaman ba ako hinahanap?"

"My sister wants to meet you."

"Eh akala ko ba bukas pa?!" Jusko eh hindi pa nga ko nagpapaturo kay mama. Mamaya mapahiya ako sa kapatid niya.

"Yeah, but she wanted to learn how to bake cupcakes already." Eh hindi pa nga ako nagpapaturo kay mama! Magpapaturo pa lang ako mamaya. Kaya nga kailangan ko na umuwi ngayon.

"Eh may gagawin pa nga kaming project!" Sabi ko pa.

Lumingon-lingon ako.

"Martin!" Tawag ko sa lalaking dumating, bubuksan na sana niya yung pinto ng kotse pero napatingin siya sa'min. Martin yung pangalan niya diba? Yung Mr. Princeton? Oo tama, kasi hindi naman siya lilingon kung hindi niya pangalan yun. "Diba may group project pa tayong gagawin?" Tanong ko sabay lakad papalapit sa kanya. Ngayon ko lang siya nakita sa personal, nakikita ko lang kasi lagi yung picture niya dun sa may hallway nung nanalo siyang Mr. Princeton kaya kilala ko siya.

"Um, project? Oo?" Sagot naman niya. Jusko buti naman sumakay yung isang 'to.

Humarap ulit ako kay Troy, "Oh sabi ko naman sayo eh! Sige ha? Nagmamadali na kasi kami." Sabi ko sabay pasok sa loob ng kotse ni Martin. Jusko wala na akong pake, lalabas naman agad ako pag nakaalis na si Troy.

Pumasok na din si Martin sa loob tapos nistart na niya yung kotse.

"Excuse me? Saang subject nga pala kita classmate?" Tanong niya ng nakangiti.

"Ah, hehe. Ano, wala. Hindi naman talaga tayo classmates." Sagot ko sabay lingon sa gawi ni Troy. Ano ba yan, hindi pa din siya umaalis!

"Oh, pero sabi mo may project tayo? Kasama ba kita sa theater?" Theater? Nilingon ko ulit si Troy, hindi pa din siya umaalis. Badtrip!

When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon