Chapter 17 Laters, baby.
Dia's POV
I love you,too...
I love you,too....
I love you,too.....
I love you, too.......
Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun... Dia!! Nababaliw ka na ba talaga!?
Kung hindi ka nababaliw, hindi mo yun sasabihin sa kanya -_- so, baliw na nga talaga ako? Arghh naaninag ko ang relo sa kwarto ko... 2am na??? Hanggang ngayon hindi pa ko nakakatulog o.o Ano bang nangyayari sakin? Bothered nanaman ako x__x
Nagising ako....chineck ko ang phone ko.... Ugh 5am pa lang ng umaga? Nauna akong magising sa alarm ko? Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog. Pero parang hindi na ko inaantok... Chineck ko ulit ang phone ko... 50 messages?? 10 missed calls? What the!? Seryoso ba to? Tiningnan ko ang mga nagtext... At tumawag... Ugh... Mga nagtext at tumawag?? Eh si Troy lang lahat to.... Okay pare-pareho lang ang messages niya. Unli ba siya. =___=
---------------------------------------
✓ From: Troy panget
Good night, babygirl! You made my day. ;)
---------------------------------------
Ugh... Ba't ako napapangiti -__-
Tama na nga Dia! Niloloko ka lang ng lalaking yan.
Psh ang aga pa. -.- Maliligo na nga lang ako... Tatagalan ko na nga lang ang pagligo ko...hmm. Mga 10 minutes? Or mga 15 minutes.... Nagbihis na ko ng uniform... Waaah 10 minutes before 6 pa lang? Parang ang tagal ko nang nag ayos eh... Bababa na nga ko.
"Oh Dia... Nakabihis ka na? Ang aga naman? Kakagising lang ng kuya mo ah. Kakain ka na ba? Para ihahanda ko na ang lamesa." Mukhang nagulat si Manang Silvia... Madalas kasi nahuhuli talaga akong bumaba...
"Opo manang. Maaga po kasi akong nagising."
"Siguro hindi ka nakatulog kakaisip sa boypren mo no?" Nakangiting tanong ni manang Silvia. Manang!!!
"Manang talaga! Hindi ah! Ang himbing nga ng tulog ko eh" pagsisinungaling ko. Ang totoo hindi naman talaga ako nakatulog... Dahil ba kay Troy? Hmm? Posible -___-
BINABASA MO ANG
When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)
JugendliteraturDia is a carefree and simple young lady until someone came into her life and gave her a rollercoaster of emotions that she had never felt before. Will she be strong enough to face the consequences before reaching the road to forever?