Chapter 58. Treat you like a princess

1K 13 1
                                    

Chapter 58. Treat you like a princess

Parang may nakabarang bato sa lalamunan ko habang nakikita ko yung mga signboards na may arrow papuntang airport sa daan...hindi ako makahinga.

Ito na talaga... Wala na akong panahon para umatras.

"You alright?" Tanong ni Kace.

"Ha? Oo." Napatingin ako sa kanya... Diretso lang siyang nakatingin sa harap ng sasakyan. Kasama namin si mama at papa. Si papa yung nagdadrive, katabi niya si mama tapos nasa likod kaming dalawa ni Kace. Yung mommy ni Kace, nauna na pala siya sa US kahapon, dinaan lang niya sa bahay yung ticket namin.

Nagsmile siya. Bakit ganun, pareho yung nararamdaman ko pag nakikita kong nagsmile si Kace at si Troy...naguiguilty ako. Pakiramdam ko pareho ko silang nasasaktan, lalo na si Kace.

Kanina ko lang nalaman na palala na ng palala yung condition niya. Kaya pala parang may iba sa kanya, kaya pala sa tuwing kakausapin ko siya o magsasalita siya, parang laging malayo ang tingin niya. Kanina lang sinabi ni papa sa'kin na lumalabo na yung mata ni Kace. Mas lalo tuloy akong naguilty. (_ _)

Unti-unti kong natanaw yung airport. Ito na talaga...

"Mama, please... Kahit, kahit 5 minutes lang...Or kahit 2 minutes." Bulong ko kay mama. May tumulong luha sa mga mata ko pero pinunas ko kaagad. Kanina ko pa pinakikiusapan si mama na pahiramin ako ng cellphone para makausap si Troy. Hindi na kasi talaga nila binalik yung cellphone ko. Sabi ni papa, bumili na lang daw ako ng bago pagdating namin sa US.

"Hindi pwede anak, nakakahiya kay Kace." Bulong ni mama.

"2 minutes lang naman eh." Nanlumo ako. Alam kong hindi ko na talaga siya mapipilit. Parang gusto kong maiyak, hindi ako makahinga ng maayos. Akala ko ba gusto ni mama si Troy?

Tumigil na yung kotse namin sa harap ng departure area.

Para akong lantang gulay habang pababa ng kotse. Sumunod naman na bumaba si Kace. Hinawakan ko yung braso niya para alalayan siya. Bakit ko naman yun ginawa? Aish! Kaya naman niya yan eh! Nakakakita pa naman siya. Tsk

Kumuha si papa ng luggage cart tapos nilagay niya doon yung dalawang maleta namin.

"Mag-iingat kayo. Tandaan mo yung mga bilin ko sayo ha." Worried yung mukha ni mama. Parang maiiyak na din siya. Kiniss niya ako tapos niyakap ko siya.

When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon