Chapter 54. What to do?

913 12 1
                                    

54. What to do?

Tito Miguel's POV (yung papa ni Dia)

"Sasabihin ko na ba?" Tanong ko kay Kristy... Tinitigan niya lang ako.

"Pa, ano po bang sakit ni Kace? Tsaka bakit ko naman iiwasan si Troy? kailangan ko na nga siyang balikan ngayon kasi *sniff* may sakit siya." Alam kong kinakabahan siya. Maski ako hindi ko alam kung tama ba 'tong gagawin namin.

"May sakit din si Kace anak. Anong nangyari kay Troy?" Kahit papano concern din naman ako kay Troy. Sa simula pa lang, magaan na kaagad yung loob ko sa kanya. Pero hindi ko sinasabi na gusto ko siya para sa anak ko. Masyado pa sana siyang bata para magkaroon ng karelasyon. Oo, napagdaanan ko din yun pero syempre gusto kong makatapos muna siya ng pag-aaral.

"May lagnat po. (_ _)" malungkot niyang sagot.

"Nak, kaya na ni Troy alagaan yung sarili niya. Pero nak, iba kasi yung kay Kace."

Tumayo siya at lumapit sa tabi ko.

"Iiih papa, sabihin mo na kasi kung ano... Dali na please..."

Alam kong masasaktan siya at mas masakit sa posisyon ko na isa ako sa mga magiging dahilan kung bakit yun mangyayari. Pero kailangan... Kaya sinimulan ko nang sabihin sa kanya. Alam kong hindi na niya maalala ang mga nangyari dati dahil masyado pa siyang bata noon at nagkaroon siya ng dissociative amnesia matapos namin siyang ipatherapy sa isang psychologist. Dissociative amnesia, ibig sabihin, hindi na niya maalala ang nangyari na nagcause ng trauma sa kanya.

***Flashback 14 years ago*** 

AUthor's POV (Third person)

Ang ingay naman! Naisip ni Dia kaya pumunta muna siya sa likod ng bahay nila kahit medyo natatakot siya kasi madilim na at hindi pa masyadong ayos ang likod ng bahay nila, nakatambak kasi doon lahat ng mga kahoy, pintura, tubo, at mga kung anu-ano pa.

"Ay!" Nagulat siya nang may mabunggo siyang batang lalaki na nakaupo sa may damuhan.

"Sino ka?" Tanong ni Dia, bahagya siyang yumuko para silipin ang mukha ng bata.

When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon