Chapter 20
Dia's POV
"Dia, okay ka lang? Ba't natahimik ka yata dyan?"
"Waaaaaah! Alfonso! Anong gagawin ko? Lagot ako huhuhu ㅠㅠ
"Lagot? Why?"
"Kay Troy. Huhuhu"
"Why?"
"Eh kasi! Ano.... Argh! Basta lagot ako. Uuwi na ko. Huhuhu"
"Bakit nga? ano ka ba Girl! Patapusin mo nalang no! Malapit na kaya mag announce ng winners." Hinampas niya ako ng pamaypay niya na may feathers-feathers pa.
"Eh kasi naman...."
"What?"
"Nagsinungaling ako sa kanya. Sabi ko magkikita kami ni Leigh. T_T"
"Oh tapos? Nalaman niya na nandito ka pala?"
"Ewan. Pero alam na niyang nagsinungaling ako."
"Oh..eh di mabuti! Para magbreak na kayo... OMG!!! Si Kace na!!! Woooooohooo! Go Kace!!!"
Para magbreak na kami? Pa'no nga kaya kung makipagbreak na siya sakin? Hmmm... Dati, wala akong ibang hinihiling kundi lubayan na niya ako... Pero ngayon kaya? Kakayanin ko ba kung sakaling mawala siya? Mahal ko na ba talaga siya? =_=
Si Kace na pala ang nasa stage para sa question and answer portion. Ang puti niya sa stage. Ang singkit talaga ng mga mata niya, ang cute >_< WAAAH! Pero nabobother pa din ako. 15 minutes na ang nakalipas pero hindi ko pa rin narereplyan si Troy. T.T
Ano bang irereply ko? Pa'no niya ba kasi nalaman na nagsinungaling ako?
"Uy Alfonso..." Nakatayo kami habang nagchicheer kay Kace. Hinila ko ang damit niya.
"Kyaaaaaaah!!! Go Kace! Ang hot mo!!! Oh bakit, Girl? Ano ba yan! Alfonso ka ng Alfonso dyan! Mamaya may makarinig sayo! Affy nga kasi diba!" Biglang humarap sakin si Alfonso na nakataas pa ang kilay.
"Tulungan mo ko. Anong irereply ko?"
"THE REASON WHY YOU LIED." May biglang nagsalita sa likod ko... At sinagot niya ang tanong ko kay Alfonso. Kilala ko ang boses na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali...
"You're cheering for that man?" At hindi nga ako nagkamali... Si Troy... Nasa tabi ko... Waaaah! Pa'no niya nalaman na nandito ako? Kanina pa ba siya nandito? Huhuhu paaanooo >___<
"Uh oh." Mahinang sabi ni Alfonso habang nakatakip and dalawang kamay niya sa bibig niya.
"Troy...ano... Sorry na... Sorry. Eh kasi ano...basta sorry na talaga." Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang nasabi yun. At niyakap ko siya. Mukha siyang galit. Kakaiba ang mga mata niya ngayon, hindi tulad kanina nung kumakain kami. Nakakatakot ang mga mata niya. Halatang galit siya.
"So, you're really cheering for that bastard?" Tinanggal niya ang kamay ko sa pagkakayakap sa kanya at kinuha ang hawak kong tarpaulin.. Waaaaah. Galit na nga talaga siya. Anong gagawin niya? Naiiyak na ko. T_T
"Ah. So, that's KACE. The man you are dreaming of before,right?" Tanong niya. Sheez! Hindi ako makaimik. Walang lumalabas na salita sa bibig ko. Ba't ganito...si Alfonso naman, biglang natahimik.
"And he was also the one who dragged you away from me before." Sabi niya... Hindi ako makatingin sa kanya. Nakayuko lang ako. Nagiguilty ako sa ginawa ko. Huhuhu. Pa'no ko ba ipapaliwanag sa kanya?
"I'm leaving now. Wala naman pala akong kausap dito. And... just enjoy that stupid contest. Keep cheering for that man." Mahinahon niya sabi. Argh! Troy! Sorry na nga kasi eh! Paalis na talaga siya... Nakayuko pa din ako. At ang mga tao naman, tuloy lang ang pagcheer sa iba't ibang contestants.
BINABASA MO ANG
When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)
Teen FictionDia is a carefree and simple young lady until someone came into her life and gave her a rollercoaster of emotions that she had never felt before. Will she be strong enough to face the consequences before reaching the road to forever?