Chapter 48. Lovelife overload? :D

981 13 0
                                    

Chapter 48. Lovelife overload? :D

David's POV

6am palang gising na ko, kahit pagod ako kagabi sa byahe galing Tagaytay. Nagpa-iwan nga pala sila lolo at lola doon sa hotel. Honeymoon? Pwede! nyahaha!

Bumaba ako para magbreakfast. Gutom na ko agad pagkagising ko eh.

Mukhang hindi pa din gising si Manang. Wala pa kasing lutong pagkain sa kusina.

"Kuya David." Potek ginulat ako nitong si Troy. Tsk dito nga pala siya nakitulog. Umiinom siya ng tubig.

Ngumisi lang ako sabay binuksan ko yung ref para maghanap ng makakain.

Sinabi na nga pala sakin ni Tiffany yung totoo kaya hindi na ko galit dito kay Troy. Siguro naman totoo yung pinagsasabi ng babaeng yun no? Eh mahilig ata mag imbento yun eh. Tsk

"How's Tiffany?" Tanong niya bigla.

"Ayaw ka na nyang makita." Sagot ko. Ano ba naman tong ref na to! Wala akong mahanap na pagkain. Kumuha na lang ako ng fresh milk.

"I mean, her condition, Okay na ba siya?" Tanong niya ulit.

"Oo. Nakalabas na siya ng ospital." Sagot ko habang kumukuha ng baso.

Ang labo din ng mga tao ngayon eh no? Itong si Troy, matapos niyang hindi balikan si Tiffany sa ospital,hindi nga ba talaga niya binalikan o baka wala lang ako nung bumalik siya? Ah basta! Tas magtatanong tanong siya ngayon kung okay na yung tao. Tapos yung si Tiffany naman, ayaw na daw niya makita si Troy pero nakita ko nung isang araw, mukha ni Troy yung lockscreen niya. Sarap batukan eh.

Kung nagtataka kayo kung ba't kami close ni Tiffany... Teka! Hindi naman pala kami close. Sadyang mabait lang ako at naawa ako sa kanya kasi naman...

*Flashback*

May biglang pumasok na babae sa room ni Tiffany dito sa ospital. May dala siyang flowers at fruits sa basket. Nakita ko din pala siya kahapon pero palabas na siya ng building. Mommy ba siya ni Tiffany? Pero hindi sila magkahawig kasi mukhang Koreana yung babaeng pumasok tsaka wala namang nabanggit sakin si Tiffany na pumunta yung mommy niya. Pero baka nga mommy niya talaga? Ah ang gulo!

"Hello po tita!" Bati ko sa babae. Yumuko lang siya at nginitian ako.

Lumabas muna ako kasi alam niyo yun, masyadong awkward.

Pero napatigil ako nung marinig ko yung pinag-uusapan nila. Eh kasi hindi ko pala nasara ng maayos yung pinto.

"Tita, thanks. Im sorry if I've disturbed you..." Huh? Ano daw? Tita? Hindi niya mommy?

"No! Don't say that! You'll stay in the house after this, okay?" Sabi ng babae.

"Thanks, tita...but I really wanted to move-on already." Sabi niya.

"But what about you and Troy?" Troy daw ba? Tama ba ko ng dinig?

"Well i guess he doesn't really care for me." Sabi ni Tiffany. Putek! talaga! Eh nandun yun sa kapatid ko eh!

"Tita, stop worrying about me. I'll be fine...and thanks for not telling mom and dad about this..."

Hay! Mukhang papunta nanaman dito yung nurse na nakakaasar!

"Sir! Pwede na nga po pala lumabas yung girlfriend niyo ngayon!" Sabi niya agad nung nakalapit siya sakin. Sabing hindi ko girlfriend yun eh!!!

Umalis muna ako sa may pinto baka mahalatang nag-eeavesdrop ako. Tsk mapagkamalan pa kong bading. Makapagkape nga muna sa baba!

...After 30 minutes...

Bumalik na ko sa room.

"Umalis na yung mommy mo?" Ay tae di nga pala niya yun mommy.

When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon