Chapter 62. I'll wait for you
Dia's POV
WAAAAAAH!!! HINDI NAMAN MENTAL HOSPITAL TO DIBA? HINDI NAMAN SIGURO NILA AKO TUTURUKAN NG GAMOT PAG SUMIGAW AKO?
"WAAAAH TROY! I------" napatigil ako ng tumingin sakin si tita Sheryl. Naglakad siya papalapit sakin... Hala! Kahiya naman. (>_<)
"Ah, eh...Hello Troy? Pwede tawag ka na lang ulit mamaya? Kasi-----" *toot toot toot toot* AISH! PINATAY NA NIYA?! HINDI NIYA MANLANG AKO PINATAPOS SA SASABIHIN KO!
"He's okay now. Praise God!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni tita Sheryl habang niyayakap ako. Pasimple akong sumilip sa cellphone ko, tae binaba na nga talaga niya. Huminga ako ng malalim. Tama ba yung dinig ko kay tita Sheryl? Naiiyak nanaman ako sa sobrang saya pero yung kabilang side ng puso ko, naiinis ako kay Troy tapos sa likod naman ng puso ko, namimiss ko siya.
Ilang sides ba meron yung puso ko? Halo-halo na yung emosyon na nararamdaman ko.
***
Kakadating ko lang dito sa ospital galing sa bahay. Naligo kasi ako tapos nagbihis.
Stable na yung condition ni Kace. 2 days na ang nakalipas after ng operation. Grabe lang, ang bait talaga ni God. (^__^)
"Um... Kace... Kilala mo ba ko?" Tanong ko sa kanya. Nakaupo ako ngayon sa tabi niya. Naku sana naman kilala niya pa din ako. Medyo wala daw kase siyang maalala nung magising siya sabi ni tita Sheryl.
"Yup! You're my girlfriend." WHUUUUT? (・_・;)
"Ha? Hin---Hindi. Friends lang tayo diba?" Tae sino may sabing girlfriend niya ko?!
"Since when did we break up?" Tanong niya tapos bigla niyang inalis yung tingin niya sakin. HA? PANONG MAGBIBREAK EH HINDI NAMAN NAGING KAMI? OO NAGING KAMI PALA PERO ISANG ARAW LANG YUN! WHAT THE?
"Ha?!" Wala na kong masabi.
Nginitian ako ni tita Sheryl. Nabasa ko kaagad yung gusto niyang sabihin... Haaaaayssss. Akala ko tapos na yung paghihirap ko. (_ _#)
"Ah.... Hahahaha joke lang!!! Syempre hindi tayo nagbreak! Ikaw talaga! Naniwala ka naman agad! Haha!" Parang tanga akong tumatawa. Shet ano ba yan Dia!
"I'm so happy that you're here with me. I love you even more..." HAAAA? ((((;゚Д゚)))))))
Pinilit ko na lang magsmile tapos hinawakan ko yung kamay niya. Ughhasdfghjkl
****
"Iha, can you do me a favor?" Tanong ni tita Sheryl habang inaayos namin yung lamesa. Nagprepare siya ng mga pagkain kase ngayon na lalabas si Kace. Tapos magne-new year na din bukas.
"Okay lang naman sayo kung sasakyan mo muna si Kace diba? Please? Okay lang naman diba?" Aish ano pa bang magagawa ko!
"Ahm, opo okay lang po." Kahit hindi. Haaay sunud-sunuran lang Dia?
"Don't worry, babalik nanaman yung memory niya pag nakarecover na siya totally." Haay sana nga bumalik na.
***
Kumakain kaming apat ngayon. Ako, si Kace, si Tita Sheryl, at yung boyfriend niya.
"You should take care of him when you go back to the Philippines, okay?" Sabi bigla ng boyfriend ni tita Sheryl sakin.
Tumango lang ako at ngumiti. Tss...
"No, I'll be the one taking care of her." Sabi naman nitong si Kace. Ah ewan ko sa inyo! "Magaling naman na ako eh." Sabi niya ng nakatingin sakin. Magaling? Weh?
Pagkatapos namin kumain, umalis na muna si tita Sheryl at yung bf niya. Naiwan tuloy kaming dalawa dito sa bahay.
Nandito lang ako sa loob ng kwarto ko, tulala ako sa cellphone ko...
Lord, pasabi naman ho kay Troy na tumawag na siya ulit. Hindi ko kasi siya macontact. Hindi na kasi siya tumawag ulit. Grrrrrrg!!! Kainis lang!!! Nagpagulung-gulong ako sa kama.
***
"Hi, Princess! Time to eat dinner!" (°_°) napabalikwas ako sa kama. Nakatulog na pala ako kakapagulong gulong ko kanina. Waaaah! bakit naman basta nalang siyang pumapasok dito sa kwarto ko! Nakaupo pa siya ngayon sa tabi ko.
"Ha? Princess? Hindi Princess ang pangalan ko." Hala? Baka naman may gf siya dati na Princess yung pangalan tapos napagkamalan niyang ako?!
"Huh? I know. But you're my princess." Ah? Yun naman pala... Shunga lang, Dia? (-__-) nadedepress na yata ako kaya hindi na ko makapag-isip ng maayos.
"Cmon princess, let's go down..." Pasweet pa yung pagkakasabi niya
Ugh
***
Nasa park kami ngayon dito sa labas ng bahay para mag-abang ng fireworks display. Ilang minutes na lang, new year na.
"Why are you so quiet, princess?" Tanong niya bigla tapos mas lalo niya pang nilapit yung mukha niya sa mukha ko.
"Ha? Wala lang. Hehe." Pa'no ba namang hindi ako tatahimik eh kanina niya pa ko tinititigan. Binibilang ba niya kung ilan yung pilikmata ko? Hay ewan. Ang weird na talaga ni Kace pagkatapos nung operation. Oo gwapo siya, pero kinikilabutan ako sa mga kinikilos niya!
(>人<;)
"Do you feel cold?" Tanong niya. Aba malamang! Eh ang lamig kaya tapos mahangin pa. Feeling ko nga magsosnow nanaman eh.
"Hindi naman." Sagot ko pero pinatong niya pa din yung coat niya sa likod ko sabay inakbayan ako. Ampness ang kulit ng lahi!
Actually, hindi naman talaga siya makulit... Sweet nga siya eh... AY? ANO BA TO? Sinusubok yung loyalty ko?! Pwes! Hindi pa din magbabago yung laman ng puso ko! ( ̄^ ̄)ゞ Si Troy pa din ang pinakasweet, pinakagwapo, pinaka sa lahat ng pinaka sa balat ng lupa! OKAY?!
*BOOM*
Napataas bigla yung balikat ko sa malakas na boom sa taas. Waaaaaaah New Year na!!! Nagsimula nang umilaw at umingay yung langit gawa ng fireworks!!! Ang ganda!!! (*__*)
Vinideo ko yung fireworks hihi. "Uy Kace, mag-hi ka! Dali!" Sabi ko habang hinaharap samin yung video. "Oh! Hi there!" Sabi naman niya tas nagwave siya tapos-------
!(◎_◎;)
Bigla niya akong kiniss sa cheek. UGHHH!!! Sabi ko lang magHi siya! Wala akong sinabing ikiss niya ako! Haaay okay lang yan, Dia! Intindihin mo na lang. Baka nakakalimutan mo, girlfriend ka niya.
Pero hindi ko siya boyfriend!!! Grrrr!!! Andami ko nang kasalanan kay Troy. Huhuhuhu
*
Pumasok na kami sa loob ng bahay... Nakaakbay pa talaga siya sakin! Nggggh!!! Bakit ba napakaclingy niya!!!
"Good night, princess." Sabi niya habang papasok ako sa loob ng kwarto ko. Tss
"Good night!" Nagsmile na lang ako. Awkward asdfghjjk
Haaaay ewan. Eh kung makipagbreak kaya ako sa kanya? BUWAHAHA TAMA! Kaso... Baka... Bumuka yung tahi niya sa ulo!? Tahi? Eh nilaser lang naman yun diba? Kaso baka magalit si tita Sheryl... Naku patay ako! Wag na pala! Sana kase maturn-off na lang siya sakin. Wag kaya akong maligo at magtoothbrush? Nyohoho! Kaso kadiri naman yun (¬_¬)
Makapagshower na nga muna... Dapat fresh para fresh buong taon. Nyahaha tapos dapat masaya lang ako para masaya din buong taon! Haaaay ang saya sayaaa *\(^o^)/*
*Riiiiiiiiingggggg*
WAAAAAAH YUNG CELLPHONE KO!!! NAGRIRING! MAY TUMATAWAG! SI TROY YAN!!! WAAAAAH! *takbo palabas*
"ARAYKU!" Ahhhhh ang sakit ng pwet ko. (>.<) Sa kakapanic ko, nadulas pa ko palabas ng cr kase basa pala yung paa ko. Arayku ang sakit talaga ahuhu
Pagkatingin ko sa screen...Hindi talaga nagkakamali ang puso...SIYA NGA... Sinave ko kase yung ginamit niyang number nung huling tawag niya.
*\(^o^)/*
[Hello?] Waaaaaah boses niya nga! haay Jusko! Nawala yung sakit ng pwet ko sa sobrang tuwa. Parang hihimatayin na ko. Kaso ang hirap pala magpigil ng sigaw. Yung sigaw ko ngayon, pabalik sa loob ng lalamunan ko eh, hindi palabas.
[are you still there?] tanong niya. Waaaaaaaaah ang saya saya huhuhu tumutulo nanaman yung luha ko. (ToT) umupo na ulit ako sa kama.
"*sniff* WAIT LANG! *sniff* WAG MONG IBABABA... *sniff* HA.." Nagmamadali kong sagot. Kinabahan ako bigla baka mamaya ibaba nanaman niya.
[Are you crying?] tanong niya. Waaaaah!!! Ba't kase di ko mapigilan 'tong luha ko. Ugh pinunas ko yung kumot sa mukha ko.
"*sniff*Kase ano...masaya lang ako. Tears of joy. *sniff*"
[Baby, please stop crying] WAAAAAAAAAH mas lalo akong naiyak... Tinawag niya akong Baby... Waaaaaaah hindi siya galit. Hindi na siya galit. Waaaaaaaah (T___T) pinahid ko ulit yung kumot sa mukha ko. Bakit ba kasi ako iyak ng iyak? Baliw tong mata ko!
"Namimiss na kita." Bigla na lang lumabas sa bibig ko.
[Mas namimiss kita...] awww huhuhu MAS MAS MAS namimiss ko siya.
"Talaga? *pout* hindi ka na----" napatigil ako. Bakit ko pa nga ba kasi tatanungin? Malamang hindi na! Eh pero...pa'no kung---- aish! "Hindi ka na galit?" iiiiih dapat di ko na tinanong! (-3-)
[No. Hindi ko nga din alam kung bakit hindi ko magawang magalit sayo. But anyway, thanks to your mom, everything's clear to me now.] totoo ba? Hindi siya nagalit? sniff* aww mama... I love you so much. Pa'no na lang kung wala ka? You're my savior forever. Sabi na nga ba, hindi mo din talaga matitiis yung future son-in-law mo. (T_T)
"Sorry kung hindi ko agad nasabi sayo. Natakot kasi ako na baka masaktan kita...na baka hindi mo maintindihan tapos magalit ka. Sorry..."
[Sorry din kung nagduda ako. But right now, I think it's better if I trust you.] trust daw... Bat siya nagsosorry? Hindi naman siya dapat magsorry eh. Naiinis ako sa sarili ko. Feeling ko andami ko nang ginawang hindi dapat. Cheater ka Dia! Eeeeh!!! Pero hindi ko naman ginusto yun eh! Hindi! Hindi ako cheater, okay? Okay. *inhale exhale*
"Thank you...*sniff*" hindi ko talaga mapigilang umiyak. Thank you? Yun lang yung nasabi ko sa dami ng gusto kong sabihin sa kanya?! Ugh!!!
[Wag ka na umiyak, babygirl. I love you so much.] uh... Bakit ang sweet. Namimiss ko na talaga siya (>___<)
"I---I love---you, too." Nauutal pa ko, pinipigilan ko kasing tumulo yung luha ko.
[I'll wait for you...] (ToT)
BINABASA MO ANG
When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)
Teen FictionDia is a carefree and simple young lady until someone came into her life and gave her a rollercoaster of emotions that she had never felt before. Will she be strong enough to face the consequences before reaching the road to forever?