Chapter 49. False alarm

1K 16 1
                                    

Chapter 49. False alarm

Dia's POV

Nandito ako ngayon sa park dito samin. Iniwan kasi ako ni Troy dito. Huhuhuhuhuhu joke lang may kukunin lang daw siya sa kanila eh pero babalik din daw siya after 15 minutes...kitams, 15 minutes lang yung layo ng bahay nila dito!

"Ate, ate palimos po!" Waaaah?!

Nagulat ako sa biglang kumalabit sa likod ko kaya napalingon ako kaagad. ~___~

"Dwight naman eh. (-_-)" nagtaka naman tuloy ako bakit biglang may namamalimos dito. Naman Dwight! Bakit nandito ka nanaman! Nung last week kasi, lagi kong tinatakasan 'tong Dwight na to.

"Haha! Ayan ayan, oo na oo na! ayaw mo talaga akong makita eh no?" Sabi niya habang papalayong naglakad.

"Oy grabe. Hindi naman ah wala naman akong sinabing ganun!" Sabi ko sa kanya.

"Talaga?" Tanong niya. Tsk

May biglang dumating na red na sasakyan...akala ko si papa. Pero narealize ko iba yung plate number...

"Kace?"

"Um...hi?" Nagwave siya ng kamay.

"Sino yan?" Tanong ni Dwight.

"Ah. Eh. Dwight, si Kace nga pala... Ano...Kace, si Dwight." Pagpapakilala ko sa dalawa.

Ayun nagshakehands silang dalawa. Tsk

"Ano ba kasing ginagawa nyo dito?" Tanong ko. Ano bang meron? Birthday ko ba kaya sila nandito pareho?

"Oo nga, ano ba kasing ginagawa nyo dito?" Boses ni... Troy. Dumating na pala siya. Lumingon ako sa kanya...

OH MY GOD!!! *___*

Waaaaaah si Kaze!!! Kasama niya si Kaze!!!

"Ka------Baby!!! Ang laki-laki mo na!" Buti na lang hindi ko natuloy. Muntik ko na masabi yung 'Kaze'c Niyakap ko siya. Omg ang bango niya!

"Bite them, Kaze!" Utos ni Troy kay Kaze habang palipat lipat yung tingin niya kay Dwight at Kace. Tsk. Baliw ba't niya sinabi yung pangalan ng aso namin sa harap ni Kace!!!

"Huh?" -Kace. Ayan nagtaka tuloy si Kace.

"Kaze... Not Kace." Sagot naman nitong si Troy. Tae naman oh! Nakakahiya kay Kace >____<

"Aish! Dyan na nga muna kayo!" Sabi ko sabay walkout. Ugh

"Ayan! Ikaw kasi!" -Dwight

"Why me? I haven't done anything." Sagot naman ni Kace.

"You're both epal!" Sagot naman ni Troy.

"Ewan ko sa inyo!!!" Naglakad na ko papunta sa bahay habang hawak ko yung tali ni Kaze. Nakasunod din naman sila sa likod ko. Tae bakit kasi nandito si Dwight at Kace?! Aish!

Binuksan ko yung tv tapos hindi na ko nagsalita... Niyakap yakap ko lang si Kaze.

"Oh nandito pala kayo! Magmeryenda muna kayo, ikukuha ko lang kayo ng makakain sa cakeshop!" Sabi ni mama. Ano ba naman! Mama naman!!!

Ayan kumakain silang tatlo ng cake ngayon habang nakatigin sa... Sakin? Grrrr! Ba't kelangan sakin talaga nakatitig! Si mama kasi eh, binigyan bigyan pa ng cake. Tss!

"Ah! Ang sakit ng ulo ko!!!" Pagkukunwari ko tapos pumunta na ko sa kwarto, sinama ko si Kaze. Leche kasi nakakairita yung tatlo eh. Matutulog na nga ko! Bahala sila! Ang sarap pag-untugin! Nilock ko yung pinto.

"Babygirl?" Wala! Wala akong naririnig! Hindi ko binuksan kahit alam kong si Troy na yun. Bahala nga muna siya. Nakakairita eh. Ang kulit! Parang bata!

When Her Eyes Met Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon