Chapter 20
Moon
"Ayiee! Cortes loves Villanueva."
Napapikit ako sa kantyawan nila mula sa loob. Nang hindi mawala ang inis sa akin ay minulat ko ito pabalik ngunit namataan ko lang si Paul na parang wala lang sa kanya 'yon, nakuha niya pang tumingin doon at umiling-iling. Kinagat ko ang labi ko nainis na ibuhos doon lahat ng sama ng loob ko. Isang kamay ang humila sa akin palayo sa pintuan patungo sa aming upuan. Pinagmasdan ko si Victoria na parang kidlat sa pagyuko niya sa akin.
"Dapat Wilbert at Victoria. 'Di naman kami ngunit bakit kami ang pinagtutukso?" usisa ko sa mga mata niyang 'di makatingin sa akin ng diretso. Umiling lang siya at nagkibit-balikat.
"Alam mo naman na maraming mas interesado sa buhay mo kaysa sa amin. Kaya thank you, girl. Mukhang dahil sa'yo 'di kami ma-iintrega," mahinang ani ni Victoria sa'kin sa kalagitnaan ng pagtutukso sa amin.
Pinaikot ko ang aking mga mata at nilagay ang bag sa harapan ko kung saan may mataas na buhok nakaharang dito. Sinakop ng buhok niya halos ang espasyo. Wala naman akong magawa kung 'di ilagay pa rin doon ang bag ko. Hinawi ko naman nang konti para matauhan siya. Nakuha ko nga ang atensyon niya kaya nga lang may panunuya sa mukha niya.
"Ano na naman ang ngiting 'yan?" pilit kong ihinahon ang boses ko at sinabit ang bag ko roon.
Mas lalo niya pang pinalawak ang pag ngiti.
"Paul Cortes pala ha. Bagay naman kayo, girl. Ilang buwan na rin 'yang nanliligaw sa'yo. May plano ka pa bang sagutin? Kung ako sa'yo sasagutin ko 'yan." Kinagat niya ang kanyang labi sabay lingon kay Paul.
Umismid naman ako sa ginawa niya. " E, ikaw na ang sumagot. Mukhang mas atat ka pa sa'kin."
Binalik niya ang mukha sa akin. "Girl, marami namang na-i-inlove sa magiging jowa mo. Swerte mo nga at sa'yo lang ang atensyon niya. Wala kang kaagaw. 'Di katulad ng crush mo noon, trinaydro ka rin ng kaibigan mo."
Tinaasan ko siya ng kilay nang ibalik niya ang topic sa akin.
"Ano'ng sabi mo?! At bakit nadadamay na naman dito si Charlotte?"
She twisted her lips, unsure of what I was saying. She looked at me as if I'd made the biggest mistake ever. I squinted my eyes in her direction, which made her uncomfortable.
"Kung patuloy ka lang sa pang-uusisa ay walang patutunguhan 'yan. Kaya naman tumigil ka na riyan."
Pabagsak kong sinandig ang aking likod sa backrest. Halos mabingi ako sa katahikan nila ngunit nasa akin pa rin ang mga mata nila. Gusto kong sapuhin ang noo ko sa pinaggagawa nila.
"Aysus naman. Miss Calla, alam naman naming na ang yaman ni'yo pero ang yaman mo rin sa pagkamaldita pero ang yaman mo din sa pagkakabait."
Tinaasan ko siya ng kilay.
"If you tell me something I don't like, kindly shut up your mouth. You just end up having a bad mood," I warned her in a soft voice.
Ngumiti ako habang pinagmamasdan ang ilong niya'y gumagawa ng sari-saring linya.
"Tama na nga 'yan, dai. Pinapainit mo lang ang ulo ng kaibiagan ko," suway ni Victoria sa kanya.
"Ang ganda naman ng bag mo, Calla. Saan galing? Impossible naman sa Caledonia."
Nasapo ko ang ulo ko habang pumikit na lang, mukhang 'di ako titigilan ng babaeng 'to. Nang makabawi ay pinagmasdan ko siya nang seryoso at nagkibit-balikat na lamang siya.
BINABASA MO ANG
Home of Hopes (Caledonia Series #1)
Teen FictionStatus: Completed Genre: Teen fiction and Romance. Posted: September 8, 2021 - January 21, 2023 Things are unexpected. People will come and go, but the truth is that when you don't want that person in this certain place and time...he will come. •Cov...