Chapter 2
Doubt
"Miss, saan ka pupunta?" usisa ni Nilda.
From my clothes to her face. Ngumiti lang ako at kumindat dito. Napasapo ng ulo si Nilda ng tiningnan ako. I looked away.
Kumuha ako ng isang pair na suot pero hinakbang ko na naman ang aking paa palayo roon. Bumaling ako sa gawi niya. Ang kanyang pilik-mata na nalukot pababa. Ang kamay niyang nasa likod pero ramdam mo ang panginginig niya. Mga mata kong pabalik-balik tinitingnan ang mga damit para mamili ng isang pang pair.
"Kung crush ni'yo 'yon. Crush ko lang naman 'yon," siya habang tinatanaw ang pinaggagawa ko.
Natigil ako ulit doon at sinaman ko naman siya nang tingin.
"Hindi ko pa naman nakita, crush kaagad. Ano'ng tawag diyan? Imaginary crush? Malay ko ba kung pangit ang crush mo."
"Miss naman. Ganda kaya ng taste ko. Gusto mo? May crush pa akong isa ro'n. Pero kung bet mo 'yong isa, doon na lang ako sa tatay," natatawa niyang sambit.
Nakuha niya na naman ang atensyon ko. Kumunot ang noo ko.
"What? Nagtra-trabaho ba ang pamilya niya rito?"
Nalukot ang kanyang labi at naghalukipkip, nag-iisip pa sa kung ano'ng sasabihin. Ako naman ay nag-aabang sa kanya habang naka-roba pa. Pinagalaw ko ang aking leeg sa kabilang banda para mas kita ko kung ano ang magiging reaksyon niya. Tumaas ang kanyang kilay. Umahon naman ako ng pumagpag na siya sa kanyang damit ng makaahon na rin.
"Parang sinundo lang siya, Miss, pero ano'ng nangyari sa tuhod mo?" sabay pasadahan sa aking tuhod.
Agaran ko naman na nilayo ang tuhod ko at mas dinikit sa isang drawer kung saan puno ng mga relo ko.
"Miss, halika ka po!" natatarata niyang boses.
Pinaikot ko ang aking mga mata ng marindian ako sa boses niya. Alam kong nag-aalala lang siya, kailangan nga na masanay na ako pero hindi ko kaya lalo na't wala ako sa mood minsan.
"Nilda, okay lang naman ako. Sige na at dumako ka na sa baba. Baka hinahanap ka ng 'yong ina. Ako na naman ang hanapan no'n," pagtutulak ko sa kanya.
Kumunot naman ang noo ko nang dahan-dahan niyang pinaglapit ang distansya namin. Bumaling ako sa kanya pero ang marahan niyang kamay ay hinila ako patungo sa beige sofa.
"Naku Miss! Trabaho ko po naman. Mukha pong na gamot ni'yo na," she is just stating a fact.
I just leered.
"Malamang kahapon pa 'yan."
BINABASA MO ANG
Home of Hopes (Caledonia Series #1)
Novela JuvenilStatus: Completed Genre: Teen fiction and Romance. Posted: September 8, 2021 - January 21, 2023 Things are unexpected. People will come and go, but the truth is that when you don't want that person in this certain place and time...he will come. •Cov...