Chapter 26

43 0 0
                                    

Chapter 26

Kindness



Unti-unti akong napa-angat at kinapa ang aking katawan kung may sugat ba ako. I checked myself in the mirror. I looked outside and my heart is racing to unknown reasons. I swallowed hard as the man stepped out of his yellow car. Hindi ko na kayang intindihin pa ang aking pakiramdam nang nagsilabasan ang lamig sa aking katawan. Mabilis kong hinanap ang aking cellphone sa bag ko.

Maybe I should call Daddy. I know he will save me.

Yumuko naman ako ng silipin na ako sa loob nang naka t-shirt na dilaw at naka-pantalon na madilim na asul. I let my eyes hide in my shades and a mask.

Gosh! What do I suppose to do?

Isang katok ang ginawad niya at muntik ko ng takpan ang tenga ko sa kaingayan niya.

"Miss, bumaba ka riyan at nabangga mo ang likod ng sasakyan ko!"

I remained silent. Trying to ignore his presence.

Lumingon ako sa gilid at namataan ko ang wallet ko.

Maybe I should give him money so my reputation will not be ruined?

But how can I do it?

Kanina ko pa iniisip kung baba ba ako at haharapin siya?

"Hoy, Miss. Ano ba!"

Narinig ko ang busina ng magkabilang sasakyan. Nasapo ko pa ang noo ko at binalot ang aking mukha ng balbal. Huminga ako nang malalim bago gagawin ang gusto kong mangyari.

Kung tatagal pa ito ay tiyak masisira ako sa publiko.

Binaba ko ang bintana ng sasakyan at ipinakita ko ang ngipin sa kanya. Napaatras naman siya at tumikhim.

"Hoy ano ba 'yan? Dalian ni'yo naman!" sigaw ng nasa likod namin na sasakyan.

Tiningnan ko naman ang traffic light ay nasa may pula pa naman.

"Ahm...sorry po, sir, if I bumped into your car. How much?" I asked.

Kumunot naman ang noo niya. Napatawa na tila na-iinsulto sa sinabi ko.

"Miss...alam mo naman na ang mahal ng sasakyan ko."

Tsk! It's just an old car. C'mon!

"Okay. But how about my mustang? Gano'n na lang din ba?" mahinahon pero may himig ng katapangan kong sambit.

Umirap siya at dumako sa likod ng sasakyan niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Miss..wala akong pake kung mahal iyan sa iyo. Hindi madadala ito sa suhol mo!"

Tumingin ako sa kanya at sa lumang dilaw na sasakyan niya. Hindi ako inform na may sayaw pala silang dadaluhan ng kanyang sasakyan.

"C'mon, kuya. "Pagbabalik ko ng tingin sa kanya." Babayaran kita ...para 'di na umabot pa sa presinto. We can just talk like nothing happened."

"Nagagawa nga ng mga mayayaman!" napalakas niyang sabi.

Napalundag naman ako sa bigla niyang pagpapamukha sa akin at talagang sa kalagitnaan ng traffic dito sa EDSA.

"Kuya---"

"Shut up, Miss. Bumaba ka nga rito at dadalhin kita sa presinto."

Pumikit naman ako nang mariin. Sumandig sa backrest nang padabog at sinulyapan siya. Pinakilos ko ang sasasakyan patungo sa gilid. Nakita ko ang pagpapalo-palo niya sa mustang ko.

Home of Hopes (Caledonia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon