Chapter 16: Escalating curiosity
~
"S-sorry pala, kahapon."
"Huh?"
"K-kasi balak ko kasi na sabay tayo umalis nun. E hindi ko na nagawa k-kasi ahmn."
"Wait lang muna, Vedette. Ayos muna. Kalma teh! Kalma! Bakit ka ba nauutal? What's the matter?" Awat ko sa kanya. Kasi naman e!
Paano kami magkakaintindihan kung ganito? Wala naman atang problema kaya anong dahilan para magkaganyan siya?
"O-okay, okay." Huminga siya ng malalim. Nag nod lang ako.
Nakayuko pa siya at pinagdikit ang magkabilang hintuturo at nakanguso, "A-ah pano ko ba 'to sisimulan?" Eeeeeh ang cute niya!
"Ganito, magtatanong nalang ako tapos sasagutin mo okay?" Tumango tango naman ito at maaliwalas na ngumiti sakin.
"Without stammering." Habol ko pa at tumango tango siya ulit.
"Ano yung sinasabi mong balak mo sana kahapon?"
"Na sabay tayong umalis para makapagkwentuhan tayo at magkaigihan."
"Bakit? Para san?"
"Kasi gusto kitang maging kaibigan." Mabilis niyang sagot.
Mas natuon ang pansin ko sa kanya.
"Why? Don't you have one?" Mabilis din siyang umiling. Napauwang ang bibig ko.
With that look, wala? Imposible!
"K-kasi ano--" With that, i can say na ayaw niyang pag usapan ang bagay na 'to. Kaya naman hindi ko na siya kukulitin pa tungkol dito.
Hinawakan ko ang kamay niyang nakalapag sa mesa at pinisil pisil ito at ngumiti na naiintindihan ko. "Don't bother. Let's move on to the next question." She then returned that smile.
"Yah! Kyan! Huhuhuhu." Niyapos niya ako at niyakap na ikinabigla ko pero hinayaan ko naman.
W-wait ano daw? K-kyan? WHUT THE HELL?
"A-anong Kyan ang sinasabi mo dyan?"
"Ayun yung basa ko sa pangalan mo nung una e. Kung di ka nga lang nagpakilala, yun tatawag ko sayo. Pero nakyutan naman ako kaya yun nalang ang pangalan ko sayo! Hihihi." Seriously? Kung ano ano nalang tinatawag nila sakin, grabe!
Cyann sa mga normal. (-_-V) Cee para sa mga kaibigan ko at minsan natatawag ko na din sa aking sarili. Chi ang kay Jansen. Yanny ang kay Fabienne at ngayon naman Kyan kay Vedette!? Idagdag mo pa ang Iann mula sa family ko, Cupcake ni Shayie, Babes ni Lemerson pati ang Girly na tawag ni Deimos!
Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ako o hindi dahil according sa nabasa ko na kapag binigyan ka daw ng katawagan ng isang tao, espesyal ka para dito. Sa ganyan ba naman kadami, napaka espesyal ko nga na dinaig ko pa ata ang pagka espesyal ng mga delicacies. (>_>)
"Yie, bagay talaga sayo yung uniform! Dito kana lang kaya mag aral? Alam mo ba na sayo pa lang ako humanga kasi bumagay dyan? Syempre bukod saken! Hahaha! Eeeeeh." Hinampas hampas niya pa ko sa sobrang tuwa.
Parehas sila ng sinabi ni Fabienne actually. Obviously, ay nakarating na nga samin yung uniform. Nakuha ko na din pala kay Montegracia yung mga gamit ko kahapon. Japanese nga yung style ng uniform nila e.
Sa mga babae, white long sleeves which is hanggang siko with striped black and white color collar na pinatungan ng parehong kulay ng jumper style na palda na above the knee. At may ruffles pa ng dalawang alternating na kulay sa dulo! May black ribbon din ito sa gitna at ang crest ng AU ay nasa left side ng collar.
BINABASA MO ANG
When love bleeds red
Science FictionJust how far would your curiosity will take you? To the rim of saving the world? Or to the brink of cold death? Just how far?