Chapter 14: Tough gets going
~
"Where's your gamit nga pala? Wala ka bang bring ha?"
I pinched the bridge of my nose, "Can't you just speak directly in english or in tagalog? Sumasakit ang ulo ko sayo Fabienne e!" Ngumuso lang ito't nagpatuloy sa pagmi make up ng sarili.
You see, we're talking as if we know each other for too long.. ewan ko ba!
Uh maybe because she's a natural blabbermouth just like Jaeca?
"You're so mean naman Yanny!"
"I'm not Yanny! Stop calling me that." COZ' IT SOUNDS LIKE NANNY!? WHUT THE!?
Andito lang naman kami ngayon sa dorm namin. Yes, she's my room mate.. unfortunately. We both didn't know that we are, kanina lang din namin nalaman!
Dinala niya kasi ako sa room niya pero tumanggi ako kaya nagprisinta nalang siya na ihatid ako sa tutuluyan ko, only to find out na ito din pala yun! YEAH, WHAT THE HELL!?
"But.. gusto ko! So you can't pigil pigil me na! You have nothing na magagawa pa about it."
Napailing nalang ako. Kung makulet ako ay mas makulet ang isang 'to!"Where's your uniform pala? Haven't the office make bigay bigay that to you na?"
Umismid ako at tumingin sa salamin sa cabinet namin. "State the obvious." Bukas pa makakarating yung pinagawang uniform na talagang pinasadya para samin ni Montegracia.
Speaking of that guy-- nakalimutan ko nga pala kunin yung maleta ko sa kotse niya! Buti nalang at maayos ayos ang damit na suot ko ngayon na tanging magagamit ko pagpasok..
Itetext ko nalang siya mamaya para makuha ang mga gamit ko.
"You sure ok na yang wear mo? I told you naman kasi na i will lend you some of mine e."
"Then you don't want to make me ayos you pa! Your hair's maganda pa naman and your face.. i'll put some kulay lang, so maputla kaya!" Patungkol pa nito sa suot kong grey paris eiffel tower print sweatshirt paired with ripped jeans and combat boots. Still, nakalugay ang buhok ko.
Hanggang sa napatingin ako sa wall clock. Ang unang klase ko, ay alas siete at magqu quarter to six na. Magkaiba ang schedule namin at hindi kami magkaklaseng dalawa ni Fabienne ganundin ni Montegracia.
"Can you lend me a notebook and pen instead?"
"Let's go na! Wiheee!" Yaya nito matapos ibigay ang hiniling ko't ikinawit ang braso niya sakin at sinarado na ang pintuan.
Kung anong detalye ng mga gusali ng eskwelahan ay ganoon din ang sa dormitory. Katamtaman lang ang laki ng kwarto at halata mo namang pang dalawahan lang dahil sa dalawang kama na magkatapat hindi kalayuan. Ang nakakatuwa pa ay kumpleto ito sa kagamitan!
As we walked, nagkalat ang ilan sa paligid at mga hallways na malamang ay papunta sa kanya kanyang klase. Hindi din nakalagpas ang kanilang mga pagsulyap sa akin, obvious na obvious na isa ako sa mga exchange students dahil lahat sila ay naka uniform maliban sakin!
"We're here na!" Thoughts and questions came back and occupied my mind na hindi ko namalayan na naihatid na pala ako ni Fabienne sa room namin.
I hurriedly washed it away and decided not to fret about it. Mamaya ko nalang siguro iisipin..
"I'll make daan daan nalang here to sundo you if we're having a bakanteng time or there's no guro samin. Basta, i'll text you nalang! Bye Yanny!"
I smiled and nodded, "You too. Thanks Fab! Take care!"
"No problema! Yieeeee, i did make you ngiti! Hihihihi! You should smile lagi!" Natatawa akong napailing sa reaksyon niya na ngayo'y tila kumikinang ang mga mata! At ang bruha mukhang balak atang manatili lang dun sa kinatatayuan niya kung hindi ko pa siya niyakag na umalis sapagkat may klase din siya! HAHAHAHA!
Pagpasok ko ay pumwesto ako sa likod at bandang bintana kung saan mostly ang mga protagonist sa mga nababasa't napapanood ko umuupo. HAHAHA Lels! (_._V)
De, totoo naman diba? Pansin nyo ba yun? Ha? Ha? Ha? Basta ganun! E kasi nga kaming mga bida may malalim na iniisip! Pwede din na kasi nga kami ang bida, kaya pa espesyal kunwari! O kaya naman ay wala lang! Stereotype na ata ang ganung pwesto mismo pag bida ng palabas o kwento. (x_x)V
"Uhmn, hi." Nag angat ako ng tingin sa upuan sa harap ko..
Isang babaeng naka braid ang magkabilang side ng buhok nitong mahaba, kayumanggi at balingkinitan na pangangatawan, hindi mapakaling mga mata at alanganing mga ngiti ang tumambad sakin.
Opposite na opposite ni Fabienne na may mahabang kulot na buhok, fair and slim, mga mata na nakatingin ng diretso na parang inaarok ang pagkatao mo at solidong mga ngiti. Pero ang pinagkapareha nila ay parehas silang maganda. Talaga!
Nahihiya din akong ngumiti sa kanya, "Hello."
She offered her hand, "I-ikaw yung isa sa mga exchange students diba? I-i'm Vedette.." Napakunot ako ng noo, what's with the stuttering words and shaky hand? Maagap ko yun na inabot at tinanggap.
"Yes. My name's Cyann, nice to meet you." Pinamulahan siya ng pisngi. What now?
Hindi ko tuloy iwasan mapatawa ng mahina. Alangang malakas e di napagkamalan naman akong baliw diba? WHEEEEW!
"Mukha ba kong multo?"
"A-ano? A-ano hindi ah! H-hindi!" Mas napahagikgik ako sa pagkataranta nito at napataas pa ang kanyang tono.
"Hindi naman pala, e bakit parang natatakot ka? Nanginginig ka pa." She looked away.
"E eto, mukha ba kong insekto? A mosquito?"
"M-mas lalong hindi!" Iwinasiwas pa nito ang parehong kamay na sumesenyas na hindi.
"Hindi naman pala, e bakit ganun ka? Mukha ba kong nangangagat ha?" Napanguso ako. E ano ba kasing problema?
"Aw." Nasabi ko nalang matapos niyang kurutin ang aking pisngi.
Gulat at nagtataka akong napatingin sa kanya dahilan para mas lalo siyang mamula, mag iwas ng tingin at agad tanggalin ang pagkakahawak niya sa pisngi ko!
"A-ahmn, s-sorry! A-ano sorry talaga! Di ko na napigilan ang cute mo k-kasi." Napataas ako ng kilay. Cute? Ako? HAHAHAHAHA!
Mukhang makakasundo ko ata siya kung ganun. Damn! I sound like a narcissist now! I sound like Coven Freakin Montegracia! WHUT THE HELL?
"Good morning class." Bungad ng most probably-- teacher namin. Kagulat gulat naman na students greeted him back.
And how is that so? Is it because of his looks? Why so?
"Oh! How lucky na sa atin mapunta ang isa sa mga exchange students! You are?"
"Cyann Serrano."
Tumango ako't binigkas ang pangalan ko.
Ang tama at dapat na pagbigkas. As in Sea-yan hindi Sai-yan! Mas lalong hindi Shan!
Marami kasi ang nagkakamali doon...
"Okay, Cyann..."
"Stand up." I did and now, everyone's attention are towards us.
Nakita ko pa ang nag aalalang mukha ni Vedette habang nakatingin sa akin. A-anong?
"Let's see.."
He plastered a lopsided grin, "What you've got."
BINABASA MO ANG
When love bleeds red
Science FictionJust how far would your curiosity will take you? To the rim of saving the world? Or to the brink of cold death? Just how far?