Chapter 42: Ultimatum

16 10 29
                                    

Note: Chapter song is Radioactive by Imagine Dragons. Check out the external link, or... nah! :P

**

Chapter 42: Ultimatum

~

"Where are we going?" I spat as he continues dragging me to god knows where! May hawak pa siyang baril sa kabila!

Pero hindi niya ko pinansin at nagpatuloy pa din siya sa paghila. I'm quivering simula pa kanina, may dugo pa ngang naiwan sa kamay ko't binti.

Sa sobrang pagtahip ng dibdib ko't kaba ay nanlambot ang tuhod ko't napaupo.

"The fuck--" He trailed off.

Natulala nalang ako bigla at hindi ko na namalayang may mga luhang tumutulo sa mata ko. Ano na bang nangyayari!

"We don't have much time left," He murmured at saka hinawakan uli ako't sapilitang itinayo at kinaladkad muli.

Ngunit bago pa man kami makahakbang ay binitawan niya ako bigla at ginamit ang kamay na ito pansalag, ang isang kamay niyang may hawak ng baril ay ginamit niyang pwersa para igayak ako sa gilid.

Sa lahat ng nangyari mula pa kanina ay halos hindi ko na masundan ang lahat dahil parang nagsslow motion ang paligid.

Hanggang sa nakita ko kung sino ang sumusugod sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko ng tumingin ito sakin sandali at saka nagpatuloy sa combat nila!

"C-coven..."

Nang maka recover ay tinutukan ni Rashed si Coven ng baril pero mabilis itong nasipa ng huli kaya tumalsik ito sa kung saan. Kaya ngayon ay bare hands nalang ang ginamit nila sa paglalaban.

I squinted my eyes, i just can't follow! Masyado silang mabilis! Para silang sumasayaw sa hangin! Napatakip ako ng bibig ng makitang tumalsik si Coven nang maglaban sila sa ere at nakita kong balot din siya ng dugo.

"Wag!"

"Coven!"

Sa pagsigaw ko ay napatingin si Rashed sa gawi ko kung saan naging dahilan para ma take advantage ni Coven ang sitwasyon at nasugod niya ito't nagsimula na naman silang maglaban!

Abot abot ang pagdadasal ko sa isip. Kailangang may gawin ako! Hindi ako pwede lang manood dito! Hinanap ko ang tumalsik na baril kanina...

"Ayun," I whispered to myself nang makitang nasa damuhan ito malapit sa mga puno puno. Saka ko lang na realize na ito ang daan papuntang Forest of Adam and Eve.

Napatalon ako ng marinig ang kung anong pagbagsak sa likuran ko. Si Rashed! He's on the ground! Nilapitan siya ni Coven, binuhat ang kwelyo't akmang ibabalibag ata ng sipain naman siya nito!

"Shit!" Bulalas ko pa.

I need to hurry! Iniluhod ko ang isa sa mga tuhod ko para damputin ang baril, saktong pagkapatong ng kamay ko dito ay may tumapak ng kamay ko.

"Ahhh!"

Napakagat ako ng labi sa pagpipigil ng sakit. At mas lalo niya pang diniinan ito. Kahit namimilipit sa sakit ay ginalaw ko ang isa ko pang kamay to reach my purse.

May mga holen akong nilagay 'dun kanina ng inisip kong baka magamit din ito.

"Aaaaaah! Fuck!" I groaned. Sobrang sakit! Damn it! Damn it! Ito ang kamay na ginamit ko para mabasag ang salamin sa table, maging ang pingsuntok.

Maybe it can save me...

Kumuha ako at bumwelo saka ibinato dito at nang matamaan ito sa di inaasahang atake ay napabitaw ang paa nito sa kamay ko kung kaya naman tumayo na ako't pumihit patalikod saka tumayo ngunit napaupo din ako agad sa pamamanhid ng mga tuhod ko at sa hapdi na inabot ng kamay ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When love bleeds redTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon