Chapter 27.1

43 12 4
                                    

Chapter 27.1

~

JAECA'S POV

"Jemarie Nuezca?"

"Ma'am,"

"Go bakla!"

"Yes? What's yours?"

"Familiarity breeds contempt,"

"Meaning?"

"Which means that when you're around someone for too long, you get tired of them.. and annoyed by them."

"Alright! Let's hear this time from.. hmm, Rinette Gayle Veron?"

"A chain is no stronger than its weakest link.. meaning, the strength of a group depends on each individual member."

"Good, how about Naval?"

"Huy!" Agad akong napalingon kay Llyus na siniko lang naman ako ng pagkalakas lakas! Partida pa na nasa unahan siya! May sa kabayo ata ang baklang 'to e.

Sinamaan ko nga ng tingin, aba't Insekyora talaga 'to sa beauty ko. Hirap maging maganda buti nalang hindi pa nila naranasan at nadama hahahahaha!

"Ano ba? May chika ka na naman? Mamaya na! Kakaloka ka a!" Tawa ko.

"Gaga, ikaw na!" Asik ni Joss na nasa kaliwa ko.

"Naman! Ako na talaga noh! Talagang talaga! Haha! Buti't inamin--"

"Jaeca Mckenzy Naval?"

"Huh?" Nagtataka akong napatingin sa unahan ng marinig ko ang pangalan ko. Bakit?

Nakita ko si Mrs. Ginzualles na aming english teacher na nakatingin mismo saken idagdag mo pa ang mga kaklase ko. Ano na naman baaaaaaaaa? Wala naman akong ginagawa a? Di naman ako nag iingay? (>3<)

"Po?"

"Your turn.." Ano daw? Turn ko saan?

Binalingan ko ang mga kaibigan ko, nagtatanong ang mga mata.. Batid kong hindi nila masasagot sa mabilisang eye contact lang kasi kami ni Fren ang nagkakaintindihan sa ganun. Si Fren.. kung nandito lang sana siya.. pssssh miss ko na siya!

"Give me an example of a not so common proverb or idiomatic expression provided with their meaning.." Hay! Buti nalang at inulit niya! Bait talaga neto kahit kailan! 'Yun nga lang medyo boring magturo, talaga! Hehe, sorry Ma'am.. e totoo naman. (>_>)V

Ano nga ba? Hmm.. "A-ah, a friend to all is a friend to none?!"

"Ahuh and what do you mean by that?"

"T-that when someone is a friend to e-everyone makes none of them f-feel special!?"

Narinig ko ang bungisngisan nila Theo sa likod ko.

"Tandang pananong kung tandang pananong, ano? Haha!"

"Go beks! Stuttering stuttering, questioning questioning! WAHAHAHA!"

"Jae! Gora! Push mo lang 'yan!" Mga walangyang 'to..

"Hirap talaga pag wala si Cee.." Rinig kong bulong ni Rinette.

"True, the struggle is real teh!"

"Hindi lang dahil sa pagtulong niya sa 'tin sa tuwing sasagot ang isa kundi yung pagmomotivate at pang e encourage niya.. yung pagtawa't pang aasar niya.."

"Yup, lalo naman ang mga hugot niya! Bilib talaga ko sa babaitang 'yun!" Sang ayon ni Theo.

"Haaaaay kamusta na kaya 'yun? Ayos lang kaya siya?" Muling wika ni Gayle este ni Rinette pala! Ayaw magpatawag sa second name basis, ewan kung bakit..

When love bleeds redTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon