Chapter 40: Unearthing allies and foes

27 11 78
                                    

Chapter 40: Unearthing allies and foes

~

JEMARIE'S POV

"Aaaaah!" Tili ni Theo.

"Bakla ka! Manahimik ka nga!" Hinampas siya ni Joss.

Hindi mapaliwanag ang kaba na nararamdaman ko, namin matapos sumigaw si Siren na dapat kaming pumasok agad sa loob ng kotse na mabilisan naman naming ginawa at sinunod.

"Ano bang nangyayari!" Frustrated na aniya ni Llyus.

"Kayong tres marias kayo, pag uumpugin ko kayo pag di kayo nagsipagtigil 'dyan!" Sigaw ko.

Sabay sabay kaming napalingon sa labas ng kotse kung saan kasalukuyang ilang mga lalaki ang dumating. Nag headcount ako. Labing isa ang mga ito.

"Ano ng gagawin natin!?"

"Sino ba ang mga 'yan!?"

"Hindi ko alam, hindi ko sila kilala! Kayo ba?"

"Teh, wit din!"

"Hoy Jemarie, bakla ka! Boylets mo siguro 'yang mga 'yan!?"

Nagsalubong ang kilay ko kay Theo, "E di wow!"

"Grabe ang laking tulong mo sa part na 'yun!" Dagdag ko pa saka umirap. Lecheng 'to, nagawa pang magsingit ng kung ano ano!

"Ayyyyyy!" Halos mapatakip kami ng tainga sa matining na boses ng pagsigaw ni Llyus.

"Ano ba!"

"Sorry naman bakla! E pano kasi o! Tignan 'nyo!"

Nakita namin kung paano nagsisimula ang mga ito sumugod kay Siren.

"Omg si fafa Siren!"

"Mygahd, ang dami ng mga 'yan! Deads tayong lahat!"

Sinabunutan ni Llyus sarili niya, "Waaaaah, ano bang kasalanan natin! Naloloka na koooooo!"

Nakisabunot din sa kanya si Theo. "Hindi ko din alam bakla! Baka mangingibig mo ang nasa labas! Bakit naman ganyan sila!"

Sinabunutan ni Joss ang dalawa. "Sasampalin ko kayo ng mag asawa pag hindi 'nyo tinigilan 'yan!"

Nagpatuloy kami sa pagsisigawan dito sa loob sa panic at kaba na nadadama, wala kaming ibang magawa! Nakakainis!

"Ayoko na, ayoko na!"

"Magdasal nalang tayo!"

"Sige,"

"Mabuti pa nga."

Napabitaw kami sa isa't isa sa gulat ng pagpasok ng kung sino. Nakahinga kami ng maluwag ng makitang si Siren ito. Sinulyapan namin ang kaganapan sa labas, nabalot ng usok ang lugar.

Nanlaki ang mga mata ko ng nakitang parang zombie na unti unti ding nakikita ko ang mga anino at bulto ng mga ito walking against the cloud of smoke.

Napamura si Siren at pinaharurot ang kotse.

"Oh my god!" Bulalas ni Llyus habang nakaturo sa likuran. Nanlaki ang mga mata namin.

"Hinahabol nila tayo!"

"Anong klase sila? Paanong..."

"Kumapit kayo." Biglang sabi ni Siren.

At halos mapakapit nga kami ng biglang mas bumilis ang takbo ng kotse. At bumilis pa ng bumilis na hindi ko na makita ang mga nadadaanan, it's literally a blur and a spur of the moment.

When love bleeds redTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon