Chapter 33: On an even keel

34 13 14
                                    

Chapter 33: On an even keel

~

RINETTE'S POV

"Yung math kanina ni Ma'am Trijano, crayola talaga! Golly, four over twenty five?! Dyusko day!"

"Corrected by ka 'dyan Joss! At ang nakakalerki pa, yung three points dun gawa ng mga bonus! Hahahahahaha!"

"Sushmita sen! Kung makapagsalita 'to, aba't kala mo naman ang laki ng nilamang mo sa score ko!? Dalawang puntos lang, Theo! Channel 2 lang lamang mo!"

"Hahaha! E nakakaloka, sinusubukan ko namang intindihin talaga pero hindi ko talaga getsung samsung e!"

"Llyus, ikaw?"

"Eight ako 'teh. Nakakopya e. HAHAHAHAHAHA!"

"Proud ka pa a? Di ka daw makakagraduate, che!"

"Kumopya ka na nga, di mo pa nilubos! Hahahahaha! Limang items lang nakopya mo noh?!"

"Patingin nga ng iyo, Jemarie?"

"Ay! Bwahahahahahaha! Belong ka din sa mga one liner gaya namin. Injernes, naka pito!"Ngumuso si Jemarie. 

"Si Jaeca naman ang tanungin 'nyo!"

Nagtawanan ang tres marias. "Tinatanong pa ba 'yan? HAHAHAHAHAHAHAHA!"

Namewang si Jae mula sa malayo.

"A ganon? Pwes papalamunin ko kayo ng alikabok ko! Kala 'nyo wala akong score o saktong three dahil lang sa mga bonus a, pwes! Tignan 'nyo! Ha!" Lumapit siya sa amin at ipinakita ang papel niya.

Nag agawan naman sila dito. Napailing nalang ako.

Nanlaki ang mga mata ni Joss. "Unbelibabol!"

"PAANOOOOO MO NAGAWA ITOOOOO!?"

"Wow, 14 over 25!"

"Legit ba 'to?" Nagkamot ulo si Theo na binatukan ni Jaeca.

Pinanlakihan siya nito ng mata. "Oo noh!"

"Kanino ka kumopya?"

"Gagita ka! Hindi mo ako gaya! Buong gabi ako nagpakahirap mag aral noh! 'Yan ang bunga!"

"Huwawwwwww nag aaral kana ngayon a?"

Nginitian siya ng mapang asar ni Jemarie. "Iba kana ngayon, Jae."

"E syempre wala tayong maasahan ngayon at nasa far far away ang ateng Cee 'nyo!"

"Kung sabagay."

"Saka pansin ko lang ano, medyo quiet kana ngayon Jae a?"

"Agree. Shada at hindi kana nasasaway gaya ng dati ng mga teachers sa pagiging maingay mo." Sabi ko.

Tapos na ang ginagawa kong pagliligpit sa gamit ko at paglagay nito sa bag ko.

Humalakhak si Jaeca. "Ganun talaga, pag maganda,"

"Ha-ha-ha oo nalang, Jae."

"Ano na naman Llyus? Kras mo na ko 'nyan?"

"Feeling Gorgeousna Wilson ang ati mo o!? Saan hinugot ang lakas ng loob?"

Tumawa si Llyus sa ekspresyong ipinakita ni Jae.

"E ikaw pala, Rinette?! How much ang iyong scorelalu?"

When love bleeds redTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon