Chapter 31: Bonafide and not
~
Naging ninja ata ako nung past life ko kung kaya naman naging maayos at madali ang pagbalik ko sa dorm namin ni Fabienne ng hindi man lang nahuhuli. Alalahanin at may curfew dito. Patay talaga ako pag nagkataon!
"Fab?" Mahinang tawag ko. Nasaan na ang babaeng 'yun?
Naalala ko tuloy yung nangyari kanina, si Krei Vizon. Siya si Krei Vizon! Ang isa sa mga hinahanap namin! Case closed na agad ang kaso niya kasi hindi siya 'yung nagpakilalang Kester sa akin 'nung mga panahon na 'yun. Hindi siya.
So bale, ang kailangan nalang namin ay mahanap si Jimver Bonaobra at si Seth Austria. Pati na din ang lalaking sinasabi ni Coven na dahilan kung bakit nalaman niya ang ilang mga impormasyon na ibinahagi niya sa akin nung nakaraan.
And above all, the transaction! Ang transaksyon na namamagitan sa eskwelahang ito at sa iba pa.
"S-shit!" Sapo nito ang dibdib sa labis na pagkabigla.
"Para ka namang nakakita ng multo, Fab!"
A sturdy scent attacked my nose. Smell of toxic and chemicals.. or something like that.
At pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya. "Nasobrahan ka ata sa subject niyo sa lab kanina at amoy kemikal ka pa."
Ang alam ko kasi, 'yun ang huling subject niya ngayong gabi e.
Suminghap siya. "Maybe elements and substances involved are that strong that even i already clean and washed up myself, it's still there."
Wow, may ganun pala talaga! Naririnig ko lang yan at nababasa pero ngayon.. Ano naman kayang--
"Anong klaseng--"
Nag iwas siya ng tingin. "P-pasensya na, kailangan ko ng m-matulog."
At iniwan niya na ako sa kusina. Nagkibit balikat nalang ako.
Naglinis lang ako ng katawan at hindi katagalan ay tumuntong na din sa higaan at humiga. Nasulyapan ko pa si Fab na himbing na himbing sa pagtulog ngayon. Sana ay maging maayos na siya.
Napangiti ako. May progress na nangyari kahit papaano ngayong araw na ito! Sana lang at magtuloy tuloy na. Ngunit sandali lang ito dahil agad din itong napawi sa napagtanto ko.
Si Fab.. unang beses ito na straight siyang nag ingles at straight din siyang nag tagalog! Walang halong ka conyohan! WALA! At bakit kanina, ganun na lang ang reaksyon niya? She looked tense. At ang amoy kemikal.. buhat nga lang ba ng ginawa nila sa lab bilang parte ng subject niya o may ibang dahilan pa?
At ang dating pagiging makulit niya at matanong ay hindi ko nakakitaan sa pinapakita niya ngayon. Himala at hindi man lang siya nagtaka kung bakit ngayon lang ako? Kung saan ako nanggaling? Kung anong ginawa ko? Na dati dati naman ay ginagawa niya. Pero baka naman masyado lang siyang pre occupied para isipin pa ko dahil nga sa nangyaring encounter nila ni Vedette?
I hate it. I fucking hate how i started to doubt her right now. But i shouldn't! Hell, i know i shouldn't! I don't have any evidence to support this stupid conclusion forming in my head. At isa pa, she's been a friend to me.
Ngunit hindi ba't sila nga ito ni Vedette na matagal ng naging maging magkaibigan ngunit nagkagulo? Is she capable of betraying me, too? Or if ever she betrayed her. I don't even know the story, i couldn't say anything about it. And i should not just her just because of her past or whatever she did. Because for pete's sake! I don't even know her that much!
Saka sino nga ba ako sa buhay niya para ikumpara ang sarili ko kay Vedette? Hindi ko nga alam kung kaibigan din ang tingin ni Fabienne sa akin e! Maaari pang hamak na ka dorm mate na baguhan! 'Yun! Pwede pa na 'yun ang isip isip niya tungkol sa akin. Nagiging ilusyunada ako masyado, masama 'to.
BINABASA MO ANG
When love bleeds red
Fiksi IlmiahJust how far would your curiosity will take you? To the rim of saving the world? Or to the brink of cold death? Just how far?