Chapter 20: Truth comes out

91 17 7
                                    

Chapter 20: Truth comes out

~

"Please.. stop being cute. It's distracting."

"Please.. stop being cute. It's distracting."

"Please.. stop being cute. It's distracting."

"Ugh! Madaling araw na, pero.. geez Montegracia ano ba? Magpatulog ka!" Inis kong bulong at nagpa ikot ikot na naman sa kama ko, naghahanap kung anong pwesto ang dapat nang sa gayon ay makatulog na ko!

Pero ilang minuto pa..

"Please.. stop being cute. It's distracting."

"Please.. stop being cute. It's distracting."

"Please.. stop being cute. It's distracting."

"Aaaaah! Mababaliw na ata ako!" Impit kong sigaw at ginulo gulo pa ang buhok ko.

Maya maya ay binalingan ko ang phone ko. Anong oras na nga ba? Kitams! Alas tres bente na nang umaga, dyusko naman matulog naaaa!

Puro kasi yung sinabi niya ang tanging pumapasok sa isip ko e! Mag iisip nalang muna ko ng ibang bagay para di ko na maalala tapos makatulog na ko! Oo, tama tama! HAHAHA!

"Uh, bakit-- bakit ayaw magmahal nung fishball? Natatakot din ba siya masaktan?" Kunot noo kong tanong, nakatingin sa kisame.

"Hanggang ngayon e, singkwenta centavos parin kasi! Piso dalawa! Yung kikiam din ata di nagmamahal at nananatili lang sa presyo niya?! Bakit ayaw nilang sumugal! Hindi sila sasaya niyan! Tssssh. Buti pa yung squidball! Teka, magkano nga ulit yon? Dos? O atleast nag take siya ng risk! Wala siyang pagsisisihan.. tsssh wala din 'tong dalawang 'to e. Talo!"

"Hmmmm gaano nga ba katangkad si pagsisisi at laging nasa huli?" Ano kayang panukat pwede gamitin dun?

*Toot toot*

O ang aga naman magising nung taong 'to? Kung sino ka man, nako! Ikaw na! O baka naman gaya ko di pa nakakatulog? Whewwwwww!

---------------------------------------------------------------------------------------

From: 09xxxxxxxxxxx

Tulog kana?

---------------------------------------------------------------------------------------

Sino naman 'to?

Tssssk, hindi ko na nireplyan dahil hindi ko naman kilala! Ganyan ganyan yung mga kadalasang nagtetext o nag ggm sakin e. Puro unregistered tapos kapag tinanong mo kung sino, kung ano ano pinagsasabi! Tanong lang naman sino, e aba't nagkwento! (-_-")

Hanggang sa lumipas ang isa.. dalawa.. tatlo.. apat.. lima.. anim.. pito.. pitong minuto at..

"Tsh! Kahit kelan talaga ang pagka curious ko di na ko nilubayan!" At ikamamatay mo yan! Ughhhhh!

---------------------------------------------------------------------------------------

To: 09xxxxxxxxxxx

Oo, kaya nga nakapagreply pa ko sayo.

---------------------------------------------------------------------------------------

*Toot toot*

Bilis naman makapag reply- WHUT THE HELL?

---------------------------------------------------------------------------------------

When love bleeds redTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon