Chapter 23: Redress of grievances

75 17 1
                                    

Chapter 23: Redress of grievances

~

My whole system becomes numb. Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa ganoong pwesto, kung gaano katagal ako nakatulala sa kawalan, kung gaano katagal umiyak.

Pakiramdam ko nga ay wala na kong luha na mailuluha pa. I never cried a lot.. like that! And i can't cry anymore, i feel like i've lost something.. an important part of being a human.

Na kung hindi pa ako tinayo mula sa kinauupuan ko't binalot ng maiinit na bisig ay wala parin akong planong gumalaw!

Hindi ko mawari kung anong meron sa yakap na yun na humaplos sa puso at buong pagkatao ko, na dahil dun pakiramdam ko ligtas na ako, na dahil dun pakiramdam ko magiging maayos din ang lahat ng 'to.

Until his black orbs met mine..

Kumalabog ang puso ko at parang mamamasa na naman yata ang mga mata ko. Shit! Hindi ko napigilan ang mapaiyak sa galak. Mas lalo akong yumakap sa kanya at ganundin ang ginawa niya.

"Oh my God.."

Pero ang hindi ko inaasahan ay nakita ko kung paanong nagtaas baba ang mga balikat niya. Whut the!? Umiiyak din ba siya? Anong iniiyak iyak niya?

Sinubukan kong kumalas sa yakap na 'yon ng makita ko kung umiiyak nga ba siya gaya ko pero masyadong mahigpit ang pagkakayapos niya saken na para bang natatakot siya na ano mang segundo ay mawawala ako sa kanya..

"You scared the hell out of me.." Mahina niyang sabi, nababasag ang tinig.

He's crying! For pete's sake he's damn crying!

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa kanyang pagluha sa harapan ko bagama't di ko nakikita ang mukha niya. Iba talaga pag lalaki ang umiiyak, nakakahawa!

Doble, triple ang sakit sayo. Totoo. Kasi ngayon, mas nasasaktan ako.

Silence wrapped us.. that.. i just let, coz' it's the kind of silence that is just comforting.

"You scared the hell out of me too." Maya maya'y wika ko.

"A-ang akala ko--"

"Sssssh."

Tinuro ko pa yung napagkamalan kong siya, "A-akala ko ikaw siya, akala ko wala kana."

"S-suot niya kasi yung jacket mo e! Yung jacket na pinahiram mo kagabi! Kaya talagang-- Sayo 'to diba? Bakit suot niya? B-bakit--"

"Desperate times calls for desperate measures.." I tried again to get off the hug but he just held me tighter.

No please Montegracia, no.

"Let's just stay like this for a while.." Napapikit ako sa sinabi niya.

He may be the human version of headache. He may be so full of himself. He's annoying. He's hilarious. He makes me yell. He drives me crazy. He's out of his mind and.. he's everything i want.

Yes Coven Freakin' Montegracia!

Of how many times i told myself how insane and absurd this is, that i'm feeling.. i love the shit about you.

I'm inlove with you. I'm inlove with you and it's killing me! Because we can't happen! Because we shouldn't happen!

Nagulat nalang ako kung paanong unti unting lumuluwag ang pagkakakapit niya.. kung paano siya kumawala sa pagkakayakap naming dalawa. Nakangiti pa siya pero hindi ko magawang ibalik ang ngiti niya dahil may kung anong kirot na idinulot 'yun sa puso ko.

At walang ano ano'y napaubo siya bigla ng dugo dahilan para mapaluhod siya't mapahiga sa sahig habang hawak hawak ang batok na para bang may kung anong meron dun!

"What—"

Akma ko siyang dadaluhan pero naramdaman ko nalang na hindi ako makagalaw. Na gaya ng isang computer, my body was about to shut down!

Napaluhod din ako at nagsimulang manlabo ang aking paningin hanggang sa hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil nilamon na ng kawalan at kadiliman ang ulirat ko.

"God! Finally! What do you feel? You want something? Are you hungry? What do you need?" Bumungad saken ang nag aalala niyang mukha with relief evident on it.

Nagtataka ko siyang tinignan dahil ang huling naaalala ko ay ang pag ubo niya ng dugo at pagbagsak sa sahig.. ang pagkaparalisa ng buong katawan ko..

"What's with the look?"

"Aren't you ill too?"

"What? What are you saying?" He almost laughed.

Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya pero walang kahit ano ang bakas na nasaktan siya o may dinaramdam.

"Diba napaubo ka ng dugo at nawalan ng malay? Halos ganun din nga ang nangyari saken!"

Humalakhak siya. "Sabi ko naman sayo wag mong ugaliing isipin ako, yan tuloy andun parin ang presensya ko kahit sa panaginip mo!"

Whut the hell is he talking about? Paano niya nagagawang idaan sa biro ang lahat ng ito!?

Walang nakakatawa sa nangyari at pangyayari na yun!

"UGH, SHUT UP! HINDI YUN PANAGINIP! TOTOO YUN!"

"Sabi mo e." Nagkibit balikat siya dahilan para mas lalo akong maasar.

"TOTOO NGA KASI SABI YUN!"

"What? Um-oo na nga ako diba?"

"AAAARGH! THEN HOW CAN YOU EXPLAIN THIS!? BAKIT AKO NANDITO NGAYON SA CLINIC!? KASI NGA TOTOO YUN! NASUGATAN PA NGA AKO SA KAMAY E!"

"Where?" Sabay namin chineck ang kamay ko at laking gulat ko na walang sugat o kahit peklat man lang doon.

Whut the!?

"See? Tsssss. You passed out because of too much stress, idagdag mo pa na nalipasan ka ng gutom. Bakit ka ba nagpapalipas ng gutom? Ano yun sadya? Nagdi diet ka? E hindi ka naman mataba a?!"

"Ano bang pinagsasabi mo dyan?" Inis ko siyang tinignan kasi para siyang batang nagmamaktol at nakanguso pa.

"Don't you know you're sleeping for almost two days huh?" Wait, what? Ano na bang nangyayari?

I then rapidly get off the bed determined to see something.

"And where do you think you're going?"

"Ipapakita ko sayo na totoo ang sinasabi ko, na hindi ako nababaliw, na hindi yun panaginip!" Mabilis ko siyang hinila papalabas doon.

"Dahil sirang sira ang mga gusali ng AU! Dahil may kung anong bagay ang wumasak dito! Tignan mo!" Mula sa kanya ay inilipat ko ang atensyon ko sa harap kung saan matatanaw ang kabuuan ng buong eskwelahan..

Ngunit nalaglag ang panga ko matapos makita na buong buo ito, na para bang walang pinagbago! Na kung ano ang naabutan namin pagdating dito, ay ganun parin ito! Idagdag pa ang mga nagkalat na estudyante na gaya parin ng dati..

WHUT THE HELL!? A-ANONG!?

"You saying something?" Nakataas ang kilay niya na mukhang kanina pa pinapanood ang bawat galaw ko, ang reaksyon ko.

My eyes then started to get teary that's why i hurriedly looked away.

Hanggang sa naramdaman ko ang yakap niya, ang pamilyar na yakap niya. Mas lalo akong napaiyak. Nakilala ko ang yakap niya at ang pakiramdam nun, ibig sabihin hindi talaga 'yun panaginip lang!

I gripped his shirt tight, "I'm telling the truth, i'm telling the truth Montegracia. It's all true.. trusy me, it's all true."

"I trust you. Everything's gonna be alright.." He continued patting my back as i just nodded with what he says which made my day, which made me okay.

Yun lang ang kailangan ko sa ngayon. Yun lang ayos na ako. Kasi ang gulo gulo. Sobrang gulo at nakakalito!

Hindi ko na alam kung anong totoo, kung anong paniniwalaan ko..

When love bleeds redTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon