Chapter 32.2
~
Sa haba ng biyas niya kumpara saken at dulot na din ng mabigat kong tiyan na kakagaling lang sa pagkain ay nakatakas siya't nawala na sa paningin ko! Idagdag mo pa ang pagkabangga ko sa kung sino.
Dahil sa momentum ay malakas ang naging impact dahilan para mapatalsik ako ng ilang dipa at mapaupo sa damuhan.
I winced as slight amount of pain flashed across my face. But i can handle it, myself. Nothing to fret about.
E siya kaya, kamusta?
"A-ayos ka lang ba?"
"Are you stupid? Of course not!"
Gaya ko ay tumalsik din pala siya at napaupo sa damuhan. Mabilis sa alas kwatro akong tumayo at tinakbo ang pagitan namin para daluhan siya.
Hanggang sa nang malapit na ako sa kanya ay namukhaan ko siya. The pretty girl from PS office with pink hair! Yung kamukha ni Luhan kung naging lalaki siya!
"Uy! Pretty girl ikaw pala 'yan! Sorry, sorry. Tara tulungan na kitang tumayo."
Inismiran niya lang ako. "No thanks, i can handle myself perfectly!"
At tumayo nga ito ngunit bakas sa mukha ang sakit. Napatingin ako sa kabuuan niya. Nanlaki ang mata ko.
"May sugat ka! May dugo ka sa tagiliran o!"
"What?" Pinasadahan niya ng tingin ang sariling katawan.
Hindi man lang siya nagulat. Hindi kaya natamo niya na ito bago pa kami magkabanggaan? At bakit? Anong nangyari sa kanya?
"Tara, dadalhin kita sa clinic!" Nag aalala kong sabi.
"Kanina pa ata yang sugat mo e, dapat hindi mo na pinatagal pa.." Dagdag ko at inalalayan siya pero tinabig niya ang kamay ko.
"Wala kang pakialam! Leave me alone!"
"A.YO.KO! Halika na, baka maubusan ka ng dugo mamatay ka pa!"
Tinitigan niya ko ng matalim. "Sinabing kaya ko nga ang sarili ko e!"
Hay buti nalang talaga at chill na ako kumpara kanina kaya hindi ko masasabayan ang init ng ulo niya. Isa pa, ang cute niya kasi talaga! Na parang hindi mo man lang magawang magalit sa kanya. Grade 7 din ata 'to e.
Bumuntong hininga muna ako. "Alam kong kaya mo ang sarili mo, kasi ikaw na ang nagsabi mismo. Wala naman akong sinabing hindi a? Pero kasi ngayon, sinabi ko na dadalhin kita sa clinic at kapag sinabi ko, gagawin ko. Naiintindihan mo?"
Mukha siyang nabigla at sinamantala ko 'yun para kunin ang pagkakataon na kunin ang braso niya't alalayan siya.
"Why don't you just leave me and let me be?" Bulong niya na nagawa ko pa ding mapakinggan.
Sinulyapan ko siya sa gilid ng mga mata ko habang patuloy kami sa paglalakad. She's teary eyed. I wonder why.. pero kinakabahan pa din ako kasi namumutla na siya! Kailangang bilisan pa namin!
"Here. Don't worry, malinis 'yan. Hindi ko pa nagagamit." I handed her my hankerchief.
Buti nalang pala at naka pants ako ngayon, may bulsa! Ang ibig sabihin may paglalagyan ng hanky!
Walang sabi niya itong kinuha at inilapit sa kanyang mukha. She really is, still a baby. She needs to be taken care of.
"Why am i even crying? Fucking tears,"
"You hate it.."
"Huh?"
"You hate it when people see you cry because you want to be that strong girl. At the same time, though, you hate how nobody notices how torn apart and broken you are."
BINABASA MO ANG
When love bleeds red
Science FictionJust how far would your curiosity will take you? To the rim of saving the world? Or to the brink of cold death? Just how far?