Chapter 39: Gamble of life
~
THIRD POV
"Mga sis, tayo 'dyan at taralets umalis pinapa evacuate tayo ni Papa Sy!" Tawa ni Llyus sa mahinang boses kila Theo, Joss at Jemarie.
Joss frowned, "Bat naman daw?"
"Tologo? Si Siren?" Di makapaniwalang tanong ni Theo.
"Ay teh, wit ko knows! Basta g na! And yes bakla, si Siren nga! Bingi lang!?"
Ngumuso si Jemarie. "Maya nalang... di pa nga nagsisimula o."
"Haynako wag na ngang madaming hanash mga beks pwede ba!? Naloloka na ko e,"
Di pa sana kikilos ang mga ito ng dumating si Siren.
"Let's go." Kunot noo nitong aniya mababakas ang awtoridad.
Nagsipagtanguan nalang ang mga ito saka hilera't magkakasunod na tumayo sa vip seats na napanalunan ni Theo kanina sa Electronic Bull na booth.
Sa kabila ng dagat ng tao ay nagawa naman nilang makaalis, nakasalubong nila si Deim na pinasadahan sila isa isa ng tingin saka kumunot ang noo.
"Where's Jaeca?"
"Ayy oo nga pala si bakla!"
"Nagpaalam siya mag cr kanina diba--"
Nang walang ano ano'y biglang tumakbo si Deim paalis.
"Weeeew," Patuya na dagdag ni Jemarie.
"Tetchie! Pati si Ri din pala!"
"Ehhh kasama naman siya ni Nike diba?"
"Oo nga naman,"
Patuloy ang usapan ng mga ito habang naglalakad papunta sa parking lot, nasa likod naman ng mga ito si Siren na nakakunot pa din ang noo.
Malapit na sila ng makarinig sila ng kung anong kaluskos.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Siren ng mapagtanto ang sitwasyon at sa malayong agwat niya sa mga naglalakad sa kanya sa unahan ay napasigaw siya. Like he's caught off guard!
"Get in the car!"
Pinatunog niya ang kotse ni Deim. Napatingin sa kanya sila Joss waring nagtataka pero walang nagawa kundi ang pumasok nga sa loob ng lalo na ng makita ang mga nagsisulputang mga lalaki.
Lalo na ng makita kung gaano ito kadami, wala silang kalaban laban sa mga ito at nanginginig ang apat sa takot at nagbuhol buhol ang utak kung bakit ito nangyayari sa loob ng sasakyan habang nakasilip sa bintana na siyang kaya lang nila magawa sa oras na 'to.
Hinarang niya ang mga ito, ilang suntok at sipa ang pinakawalan ng mga ito sa kanya na agad nasangga at naiiwasan ni Siren at saka binalik ang mga ito ng doble ang lakas at bilis.
Ngunit napansin niya na kahit ilang ulit ang mga ito sa pagbagsak ay tumatayo at tumatayo pa din na tila hindi iniinda ang pwersa ng kanyang mga atake. Isa ang sigurado niya, mahinang klase ang mga taong ito; madaling patumbahin subalit hindi nauubusan ng lakas kaya mahirap tuluyang pabagsakin.
Kumuha siya ng piraso sa kanyang relo. Just the perfect timing and then boom. Ito ang tanging paraang naisip ni Siren lalo na't nauubusan na sila ng oras at kailangang maialis niya na ang mga kaibigan ni Cyann sa eskwelahang ito.
Nang palibutan siya muli ng mga ito sa pabilog na paraan ay bumwelo siya at waring lumipad ng inangat ang sarili at paikot na sinipa ang dibdib ng mga ito dahilan para magresulta ng sabay sabay na pagbagsak.
BINABASA MO ANG
When love bleeds red
Science FictionJust how far would your curiosity will take you? To the rim of saving the world? Or to the brink of cold death? Just how far?