Prologue
~
"Manong bayad."
"Mag isa?" Shiiiit eto na, eto na..
Bumuntong hininga muna ako ng malalim bago nagsalita. Kaya mo 'to, Cee!
"Opo, sanay naman akong mag isa e."
Tinitigan ako ni Manong sa rearview mirror niya ng pabalik balik na parang nababaliw na ko. YEAH, WHUT THE HELL. WHUT THEEEEEE!
Waaaaaah bumuka ang lupa at kainin na ako! Buti nalang at ako palang ang pasahero. Tae! Oo, humuhugot ako minsan pag trip ko pero hindi yung ganto na hindi ko kakilala yung tao! Nakakahiya!
Narinig ko ang tawanan sa kabilang linya. My friends should be happy by now at nagawa ko na ang dare nila na humugot daw ako sa jeep gawa ng pagkatalo ko kanina sa nilalaro namin na Screamer!
Ito ay kung saan pipikit lahat at sa pagdilat mo, oras na may nakasalubong ang iyong mga mata sisigaw kayong dalawa, out na agad kapag ganun. Dapat wala kang maka eye to eye, ganern!
Nyaay di pa pala ko tapos.. Sheez naman!
"Ito ang sukli, ayos ka lang ba iha?"
Wala pa man ay narinig ko na ulit ang pagsisimula ng hagalpakan nila on the other line and then they cheered for me. Dyusko naman, oo.
"Buti pa po kayo sinuklian ako, e siya!? Kahit katiting, wala! Ubos na ubos na ko!" Nanlaki naman ang mata ni Manong nung makitang teary eyed na ko. Dapat daw makumbinse e.
I let out a sigh again, "At tinatanong niyo po ako kung ayos lang ako!? Hinde! Nasasaktan ako! At ngayon nakita niyo ng naiiyak na ko dito tapos tatanungin niyo kung ayos lang ako!? Paiyakin ko po kaya kayo at saka ko ibalik ang tanong niyo!? Kung ayos lang kayo!?"
Humagulgol pa ko kunwari. Nakita kong namumutla na si Manong at maswerteng hanggang ngayon wala pa din ibang pasahero na maaaring makasaksi ng kagagahan na pinaggagagawa ko!
Tumigil siya bigla, magsasalita pa sana siya kaso pumara na ako dahil saktong nakita kong malapit na kanto namin. Buti naman!
Bago pa ko tuluyang nakababa ay nagwika pa ko, "Ayoko na! Hindi ko na kaya pang makarinig ng mga kasinungalingan!"
Napapikit ako ng mariin saka tumakbo. Mahirap na naka uniform pa naman ako! Baka mamukhaan ako, tas pag nasakyan ko ulit yung jeep na 'yun sabihin pa 'nun, luh eto yung baliw a?! Whewwww.
Pero hindi nakaligtas saken ang patuloy na bungisngisan ng mga kaibigan ko sa kabilang linya. Natawa na din tuloy ako at napailing nalang. Hay nako! Simula pa lang ata 'to..
BINABASA MO ANG
When love bleeds red
Science FictionJust how far would your curiosity will take you? To the rim of saving the world? Or to the brink of cold death? Just how far?