Chapter 32.1
~
Halos dalawang oras na ang lumipas ngunit hindi pa din ako makapaniwala sa nalaman. Biruin mo nga naman ang pagkakataon!?
Sa dami dami ng pwedeng matagpuan kong tao, ito pa ay walang iba kung hindi ang hinahanap namin!
Sinabi ko na din pala kay Montegracia na nakita ko na kagabi si Krei Vizon. Ang inyong lingkod, aba't walang reaksyon!? Tumango lang!? Whut the hell!? Ano kayang iniisip nito ngayon?
At ang pahamak na tiyan ko, nag ingay ng biglaan!
*Krrrgggg*
Ayan isa pa! Oo nga pala't wala pang laman na kahit ano. Mula sa malalim na pag iisip ay nag angat siya ng paningin at nagtama ang mga mata namin.
"Haven't you eat anything yet?"
"Oo e. Pupunta muna ko ng cafeteria."
I stand my ground after giving him a short nod.
"Open the ref, food's available."
Ngunit umiling lang ako. Kailangan niyang itabi ito para sa mga susunod na araw.. lalo na't sa dorm niya kami magiistay ni Apple. Apple is the name of the guy, by the way.
I have nowhere to go. Saan pa ba ako pupunta kundi dito lang kay Montegracia?!
Something's stirring inside me when i'm thinking for the possibilities what Fabienne might have do to me now especially that i freed his prisoner and not just that!
It's also like discovering something about her like a kind of secret and agenda.
I can't help but to quiver with the frightening thought..
Si Apple naman ay kasalukuyan ngayon na nasa sofa, nagpapahinga na.
Napalitan na namin-- i mean niya ito ng suot, nagamot na din ang mga sugat na tinamo nito. Hindi ko maisip kung anong hirap ang dinanas at sinapit nito dahilan kung bakit ganito ang inabot niya.
"I'll go with you."
Kikilos na sana siya ngunit agad kong nahila ang braso niya. Bakas sa mukha niya ang pagtataka sa ginawa ko.
"No, you stay here. Sino nalang magbabantay sa kanya?" Tukoy ko kay Apple.
Pag pina ulit ulit ko ang pangalan niya, mas lalo lang akong ginugutom e. Pinilig ko ang ulo ko. Gahd! Ano ba naman 'yan.
Kumunot ang noo niya. "Are you fucking kidding me?"
"Wag ka ng makulit 'dyan, i can handle myself. Bantayan mo si Apple."
"Damn asshole." He groaned as a sign of surrender then go back to his seat.
Wala na siyang nagawa pa kung hindi ang sumunod nalang sa sinabi ko. Good.
Wala din ako sa mood makipagtalo at kanina pa mainit ang ulo ko. Kailangan ko din magpahangin para kumalma't mawala na 'tong kung anong nagpupuyos na umuusbong sa dibdib ko.
"May ipapabili ka?!"
Hindi siya sumagot kaya nagtuloy nalang ako sa paglakad patungo sa pinto. I'll take that as a no.
Ngunit bago pa ako tuluyang makaalis ay may inabot siyang kung ano. Credit card!?
I was about to return it when he raised one of his hand signaling me to stop what i'm gonna do. O, e di ikaw na 'tong psychic! Tsh.
Magsasalita na sana ako ngunit pinutol niya ito.
"Dadalhin mo 'yan o sasama ako sayo at iiwan ko ang lalaking 'to?"
BINABASA MO ANG
When love bleeds red
Science FictionJust how far would your curiosity will take you? To the rim of saving the world? Or to the brink of cold death? Just how far?