Chapter 22: Dead and gone

72 16 2
                                    

Chapter 22: Dead and gone

~

Sa aking labis na pagkatulala ay sinamantala niya yun upang igayak ako sa baba ng desk kaya natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa loob nun. Hindi ko na din namalayan na nakaalis na siya.

Parang naging paralisado ang buong sistema ko.. walang ibang madinig kundi ang mga panaghoy ng mga nagkakagulo kong kaklase na nagwawala na din gaya ng mga tao sa labas, ang pagsabog.. ano ba kasi talaga ang nangyayari?

Di kaya nagkatotoo yung sinaad ko kanina na pakiramdam kong end of the world na? Eto kaya yun?

Sunod sunod ang pag iling ko. Hindi 'to ang oras para dun. Mukhang kakaiba ang isang ito. Sunod sunod ang ginawa kong paghinga at sinubukang mag isip ng maayos sa ganitong sitwasyon.

What can i do now? Would i just let my fear to Rashed stop me from what i'm supposed to be doing? No! No way!

Kaya naman, lumabas na ko mula sa pinagtataguan ko paulit ulit na sinasabi sa utak ko na walang kahit na sino ang makakapigil sakin at sa mga gusto kong gawin.

I'm not giving any rights nor power to let them stop me, control me and even scared me! Hindi naman sila manager to manage me.

"Whut the hell?" Tanging naibulalas ko matapos makita ang mga basag na salamin mula sa bintana at mga kung ano anong nakakalat na papel sa sahig na bumungad saken.

The whole room per se is a total disaster! Parang dinaanan ng bagyo!

Iilan nalang din ang mga tao na nandidito sa loob, ang hula ko ay nasa labas sila kaya naman hindi na ako nag atubili pa at lumabas na din. Saktong pagkalabas ko ay nayanig naman ang buong paligid!

Na parang may kung anong bagay ang tumama dito, waring sinisira ang gusali. Tumilapon pa ko sa kung saan sa sobrang lakas ng impact! Fuck! What was that?

"Oh, shit!" Anas ko pa matapos makita ang kamay kong nasugatan.

Tinamaan ito ng kung ano, na maging ako ay hindi din mapagtanto kung anong 'ano' 'to! Nakita ko kung paanong wasak wasak ang mga pader ng building! Lumilindol ba?

Sinikap ko na tumayo kahit dahan dahan, hindi iniinda ang sakit na nararamdaman ng buong katawan ko mula sa malakas na pagkabangga sa dingding at pagkahulog sa sahig maging ang kamay ko na hindi tumitigil sa pagdugo. Unti unti ay nakatayo naman ako, yun nga lang ay hindi maayos ang postura! Tipong iika ika at mahina talaga! Fuck this!

Wala akong marinig na kung ano matapos nun. Parang naglaho bigla ang mga ingay, pagyanig at pagsabog kanina coz' right now i can literally taste the silence.

Hanggang sa bumaba ako sa hagdanan.. laking gulat ko ng ang tumambad saken ay ang mga nagkalat na katawan ng mga estudyante kahit saan ka tumingin!

"Holy mother of.."

Bagama't nagitla ako ay ipinapatuloy ko ang paglalakad para makababa sa isa pang palapag, umaasa na baka may iba pang tao bukod saken na may malay, na makapagpapaliwanag saken ng mga nangyayari!

"The hell.."

Tuluyan ng binalot ng panlalamig at pagkatakot ang buong pagkatao ko matapos kong madatnan ang eksenang kagaya ng kanina! Mas marami ang ngayon! Dahil bukod sa mga katawan na nasa hallway ay tanaw din ang iba pang katawan sa field na ilang dipa lang ang layo mula dito. Halos mapaupo ako sa panghihina..

I don't have any freakin idea whut the goddamn hell is happening! Nang may maalala ako..

Mabilis akong tumayo at tumakbo, walang eksaktong destinasyon kung saan papunta! Parang may anong lakas ang meron sa katawan ko ngayon na hindi nadadama ang sakit na naramdaman ko kanina dahil sa puntong 'to, isa lang ang mahalaga!

"Damn Montegracia, don't you dare die! Don't you hella leave me alone.." I whispered as i delved for him.

Ngunit halos lahat na ng rooms sa maraming building ng AU ay nilibot at napuntahan ko na pero wala, wala siya! H-hindi kaya? No.. No!

Ang tanging hindi ko na lang natitignan ay ang bawat katawan na nasa-- Luminga linga ako hanggang samay kung anong nakapukaw sa pansin ko at.. nanginginig ko yun na nilapitan.

"Hindi.."

As i began walking my way there, tears started to stream in my eyes. At ng nakita ko na ito ng malapitan ay doon ko naramdaman ang lahat ng pagod at sakit but.. this one's worse. This is much much worse, because it's the kind of pain i can physically feel my heart breaking.

"No, no please no! Shit! No.." I began crying at napaluhod sa tabi ng katawan niya covered with blood and put his head on my lap. Hindi na din makilala ang mukha niya dahil sa bugbog pero ang nagsasabi na siya yun ay yung jacket niya.. yung blue duffle jacket niyang nilagay saken kagabi!

Mas lalong lumakas ang pag iyak ko ng wala man lang siyang response matapos ko siyang alug alugin. I even checked his pulse pero mabagal ito at.. mahina. Hinampas hampas ko pa siya sa kanyang dibdib maging sa braso.

"You're such an ass! Wala kang karapatang mamatay! Shit naman o!"

"Bwiset ka! Walanghiya! After making me feel something you're going to leave me, hanging? Damn you!" But still no response. No fucking response!

I can't bring him to the clinic, wala ding tao dun! I can't do anything! With that pigil akong humagulgol. WALA AKONG MAGAWA SHIT!

"Bumangon kana dyan oh? Iinisin mo pa ko e! Papainitin mo pa ang ulo ko! Gumising kana!"

"Ayos lang saken na bwisitin mo na ko araw araw, oras oras, minu minuto o kahit kada segundo! Kahit na pangatawanan mo na ikaw nga ang human version ng headache! Just please wake up? Please!"

Kaasar naman e! Pagkatapos mong ipa realize saken na may nararamdaman ako para sayo, iiwan mo ko? Papapanagutin pa kita sa bagay na 'to!

Tinampal tampal ko pa ang pisngi niya pero wala parin pagbabago! I then checked his pulse again pero huminto ang mundo ko sa napagtanto.. wala nang tibok ang puso nito. Wala na kong marinig pa dito!

No! No, you can't be dead. You just can't be, Montegracia..

When love bleeds redTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon