Chapter 38: Fraught with danger
~
THIRD POV
"How's everything?" Pambungad na tanong ng taong kadarating lang.
Everyone's busy, tila ba hindi magkanda ugaga. Maya maya't may ginagawa. May kinakalikot. May tinitipa. May kinakalkula.
Naglakad patungo dito mula sa pagkakatayo sa gilid ang babaeng may hawak ng kung anong data at record. "The preparation so far, are good, Head..."
Nagtaas ng kilay ang nauna, "What good? I don't want good! I want perfect!"
Napatungo nalang ang babae, napailing ang tinawag nitong Head.
"Tsk, imbecile!"
Sa kabila ng silencer ay narinig pa din ng lahat ang kahit papaanong impact na nagawa ng pagtumba ng walang buhay na na katawan ng babae matapos kalabitin ng kausap ang gatilyo mula sa maliit nitong baril.
"You never learn," Aniya habang nakapatong sa sariling ulo nito, kinikiskis ang baril. Tila naiirita sa nangyari.
Nagsibalik din naman ang mga tao sa loob pagkakuwa na parang walang nangyari.
Hindi na ito bago sa kanila...
"Updates, hmm?" Nakangiting tanong ng tinawag na 'Head' sa lalaking kagagaling lang sa pag iinspeksyon ng mga nangyayari sa loob ng lugar kung saan naroon sila.
Tumungo ito saglit saka tumango tango. "No mistakes and incalculations,"
Ang babaeng nakaharap sa monitor ay inayos ang salamin at saka nagwika, "All we have to do now is wait..."
Dumagundong ang tawa nitong waring nanghahamon at nanloloko.
"Oooooh, i can't wait!"
Kapagdaka'y pumasok ang mga lalaking naglalakihan ang katawan, sa pangunguna ng lalaking mas malaki pa ang katawan kumpara sa mga ito at nagbigay galang. Magiliw naman
silang tinugunan ng 'Head' hanggang sa napunto't natalakay ang sadya ng mga ito sa pagbalik sa kuta nila.
"Head, affirmative..."
"HAH! HAHAHAHAHHAAHAHHAAHAHAHAHAHA! AHAHAHAHAHA!"
Hindi inaasahang reaksyon ang nakuha nila mula dito, kumpara kanina ay mas malakas ang halakhak nito ngayon. Tila ba hindi makapaniwala sa narinig, sa kompirmasyong nalaman.
Maya maya ay lumapit ang isa pang babae, may hawak itong mga papel na may kung ano anong formula ang nakasulat. "Head, it's time..."
Maligaya itong tumango at nagturan ng makapangyarihang salita, "BEGIN."
"And you, all of you..." Baling nito sa grupo ng mga lalaking malalaki ang mga katawan, mistulang mga goons,
"Dispatch him." Nawala ang mapaglarong ekspresyon sa mukha nito at napalitan ng nakapanghihilakbot na mukha.
"Masusunod..." Matapos yumuko muli ay saka ito mabilis na nagsi alisan na isa lang ang nasa isip na gawin,
'Pumatay...'
'Patayin ang lalaking iyon...'
--
(Cyann?)
Tumigil ako sa paglalakad at inayos ang maliit na pirasong 'ito' sa aking tainga. Well, Apple and his inventions...
"Hello, this is Cyann speaking, over." I responded in a low voice.
BINABASA MO ANG
When love bleeds red
Ficção CientíficaJust how far would your curiosity will take you? To the rim of saving the world? Or to the brink of cold death? Just how far?