Chapter 36.2

40 10 2
                                    

Chapter 36.2

~

"A-anong!?"

"Well.. ayan ang napili niya randomly at ito ang isusuot mo.." Nag shrugged yung babaeng nakasuot ng maleficent costume at saka inaabot sa akin yung isusuot ko daw na napili ni Montegracia.

Paano ba naman! Nakakaloka! Maxi dress lang naman ang napili niya! With matching hat pa na malaki pang turista! Paanong may ganito din sila? Akala ko puro characters lang ang meron sila. Haysss! Cee idiot, stop complaining and just damn wear it! Fine, fine.

I got pissed earlier of course because it's a dress! And not just that, a sandals as well! Whereas for it, i can't move freely and my actions will be restrained and limited! Aack, bahala na nga! Kinuha ko na ito at nagtungo na sa dressing room nila.

The maxi's white and the blue color's design on it is all over like a painted canvas. Parang pinasadahan lang ng asul na pinta ang puting damit in a very artistic way.

It feels like i have an ocean in me, though..

Baka kapag may nadaanan kaming inihaw o kahit ano na ihahaing isda ay mabubuhay 'yon dahil tatalon sakin na dagat nila. Lol what the hell am i thinking really!? (>_<)

Pagkalabas ko ay nakita ko ang ilan pang tao ng booth na ito na may mga hawak ng kung anong abubot sa buhok. Curler ba yun? Pati straightener? At hindi lang 'yun! May make up kit pa!

WHUT THE HELL!?

"Kyaaaaaah perfect!"

"Ito talaga ang masterpiece naten so far!"

"Good job team!"

"Mukha kang artista, pa autograph!"

"Nice, tipong inosente ang dating mo 'dyan girl!"

"Told you, we just need to highlight her features.."

Napailing ako. Ang kulay tsokolate kong buhok na may kahabaang lagpas balikat gaya ng nakasanayan ay bahagyang nakakulot ngayon sa dulo. Ang maputla kong mukha ay nagkakulay sa kolorete, but i have to admit i like it the way they made it look natural. At! At hindi nila ginawang coloring book ang mukha ko, thank God! 'Yun lang naman ang inaalala ko..

But i don't want it like this.. like a damsel in distress.. like princess in a fairytale. No! If i were to choose, i'd like to be catwoman instead, or just another member of Charlie's angel!

Okay, enough. Moving on..

Sila na mismo ang nagsuot sa akin nung white hat with black ribbon sa gilid pati na din yung gold brown sandals. Iginaya pa nila ako sa salamin para tignan ang aking sarili.

Napabuntong hininga ako, bakit ang ganda ko?

Huhuhuhu sorry na, totoo naman e. Nagsasabi lang ako ng totoo!? (>_>)V

Ugh alert alert! Air syndrome! Air syndrome! Tsk tsk tsk, iba na talaga, nahawa na talaga ko ng tunay kay Montegracia.

Pinapunta nila kami sa isang tent para kuhanan ng litrato, pagkapasok na pagkapasok ay nakita ko ang Human version of headache na na kanina pa ata naghihintay. He's wearing a white viser, white polo shirt covered with black sleeves then red tailored trouser and a black studded golf shoes. Golf boy huh?

When his eyes found mine, i immediately averted my gaze. Tsh, too handsome damn it. Kahit ano nalang talaga suotin, bagay pa din. Why is it so unfair!? Tch.

Ganun talaga siguro pag gwapings na tunay, kahit anong pasuot mo, be it basahan pa man 'yan, babagay! Hmm..

"Tabi kayo.. get your hats off your head and hold it." Sabi nung may hawak ng camera.

When love bleeds redTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon