Chapter 28: No pun intended
~
"Ah, Fab--" Magsasalita palang sana ako pero sinarhan niya na ako ng pintuan ng cr. Grabe siya! Grabe siya o! Napabuntong hininga na lang ako.
"Alam kong wala ako sa posisyon magsalita ng kahit ano dahil bago lang ako dito, isang hamak na ka dorm mate mo.. pero gusto kong malaman mo na sa maikling panahon na pananatili ko sa eskwelahang 'to at ngayon na paalis na din ako, isa ka sa mga itinuring kong kaibigan, katoto. Wala kang ibang ipinakita kundi ang kabutihan mo. Maswerte akong talaga kasi nabigyan ako ng pagkakataong makilala ka at makasama." I smiled to myself.
Hindi ko pa naririnig ang lagaslas ng tubig marahil ay nakasandal siya't nagugulumihan o di kaya ay nasasaktan o pwede din naman na walang pakialam? Hindi ako pabebe girl pero hindi ako talagang mapipigilan na magsalita! (-_-)V
"Hindi mahalaga kung ano ang nangyari noon, kung nagkamali ka o may bagay na nagtulak sayo para gawin ang isang bagay na maaaring di mo talaga nais, di mo talaga gusto ngunit hindi na importante 'yun. Ang mahalaga ay ang ngayon. Iba ng pagkakataon, lipas na ang panahon at alam mo ba ang ibig sabihin 'nun? May tiyansa, may pag asa pa na itama ang pagkakamali't pagkawasak na dulot ng kahapon."
"Magpakatotoo ka. Walang mangyayari kung patuloy kang magsisinungaling hindi lang sa kanya, sa kanila kundi kahit sa sarili mo na. Nakakahiya ka kung ganoon, na maging ang sarili mo'y niloloko mo na para lang sa mga bagay na ayaw mo ng harapin pa!?" I laughed mirthlessly.
Gusto kong maunawaan niya ang pinupunto ko. Gusto kong gumising na siya ng tuluyan kung sakaling buhay siyang binabangungot.
"Hindi mo pwedeng sabihin na wala ka ng pagpipilian at manatiling-- sa mga bagay na alam mong hindi tama ay manindigan. Paano mong masasabing wala ka ng magagawa, kung nakakalakad ka nga't nakapagsasalita? Laging may paraan. Lagi. Hindi ka nag iisa kaya wag mong solohin at saluhin lahat ng problema. May kasama ka."
Malinaw kong naaalala kagabi kung paano nanlaki ang mga mata nila ng nasaksihan namin ni Montegracia ang pagtatalo nilang dalawa at pagkakuwa'y ng banggitin ko ang pangalan nila ay mabilis sa alas kwatrong nagsi alisan na kala mo ay wala lang ang lahat.
"Isa sa natutunan ko sa loob ng magdadalawang linggo na pananatili sa AU ay kung gaano ka importante ang oras.." Bagama't hindi ko pa lubos na maipapaliwag ng buo kung bakit..
"Kung hindi mo masasabi ang mga dapat sabihin at magawa ang mga dapat gawin, masasayang ito. Masasayang ang bawat segundo't minuto dahil kapag dumating ang oras na handa kanang sumugal sa pagkakataong 'to huli na para dito. Huli na dahil hindi mo hawak lahat ng oras sa mundo,"
Narinig ko na ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa loob. "Basta, kung kailangan mo ng makakausap o kung ano pa man! Andito lang ako.. at sa puntong 'yan, hawak ko ang oras 'dyan!" Tawa ko at kumatok ng dalawang beses sa pinto ng banyo bilang pamamaalam.
Kailangang gawin na ang mga dapat gawin. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko matapos makalabas sa dorm ay napakamot nalang ako sa ulo sa realisasyon.
"To the 100th power pa ang puso't damdamin sa pinagsasabi kong payo, ang pinagsabihan ko pa ay conyo! Na hindi nga makapagsalita ng diretso sa tagalog, ng filipino! Tsssssk! Epic!"
Today's tuesday. Only six days left. Six days remaining for us but we have lots of things to do!
Eto lang naman:
1. Find the guy, Montegracia's talking about.
2. Find Kester or whoever he is. Which gave us three choices of persons that gave us number three, four and five.
BINABASA MO ANG
When love bleeds red
Science FictionJust how far would your curiosity will take you? To the rim of saving the world? Or to the brink of cold death? Just how far?