Chapter 19: Both stricken

87 18 2
                                    

Chapter 19: Both stricken

~

Hindi katagalan ay sumunod na naman sila kaya nagsipagkainan na kami. Nagdaan ang buong maghapon na halos inisa isa namin ang mga pwedeng gawin dun pero dahil sa sobrang dami ay hindi din namin nasubukan lahat!

Kaya naman mag aala singko na ng hapon ng magpasya kaming umuwi, reminded that we still have classes for tomorrow.

Katakot takot na paalamanan pa ang nangyari. Kung ano ano pinagbibilin nila na kala mo nanay ko! Di ko man aminin ay talagang namiss ko ang barkada kahit ganun sila. (-_-V)

Yung kabadingan at kung ano anong trip ng tres marias; si Joss na wild at warfreak, si Theo na maloko pero may pagka mahiyain at si Llyus na pinakamalandi sa kanilang tatlo! Tapos yung kadramahan ni Jemarie sa buhay niya, si Rinette na may pagka seryoso kung minsan pero nagiging bata kapag pagkain na ang usapan at ang Jaeca na hindi yata mauubusan ng kwento dahil punong puno ng kadaldalan sa katawan!

"Hoy, inday mag ingat ka ah! Text mo lang ako pag may umaway sayo. Ako bahala at sasabunutan ko!" Pahabol pa ni Joss.

"Heh, Joss wag ka nga! Sa iba- pwede pa na ganyan ka, pero sa mga taga AU? Ay ewan sayo, goodluck nalang talaga!" Kontra ni Theo.

"Bet yata magpakamatay niyan e. Ano teh keri? Ako nalang papatay sayo kung ganun ang gusto mo!"

"HAHAHAHAHAHA!"

"Bakeeeeet may sinabi ba akong ako lang susugod? Kasama kayo noh!"

"Lukaret ka, sinong may sabing sasama kami? Utot mo, mag isa ka! Di ka namin tropa! BWAHAHAHA!" Nagtawanan sila sa sinabi ni Jaeca.

"Pag may time ka, replyan mo mga message ko ah! Manghihingi ako ng payo sa nag iisang maestro." Nangingiting wika ni Jemarie at nag thumbs up lang ako bilang tugon.

"Baka maestra? Chura mo Jemarie! Ano 'to math, problem solving ganun? Bawal mangopya! Bawal magtanong sa katabi! Kaloka 'to. Magsama kayo ni Joss, nandadamay pareho!" Sabat ni Jaeca at nagtawanan ulit sila.

"Siguraduhin mong babalik ka ng buhay, may bago akong shop na natuklasan. Sabay tayong pupunta doon para kumain okay?" Nginitian ko ng malawak si Rinette at tumango tango.

Isa sa mga dahilan kung bakit kami nagkasundo..

"I'd love that!"

"It's getting late.." Paalala ni Siren habang nakatingin sa kanyang wristwatch matapos makabalik sa pwesto namin from nowhere.

Ewan kung saan sila nagpuntang apat kanina para makapagsolo sila. Boys..

"Siyaaaa, sige tara na't lumarga!" Pag sang ayon ni Llyus at nagsigayak na.

Bumaling saming dalawa ni Montegracia si Nike, "Mate, we better get going. Cyann, it was really nice meeting you. Finally.. hehe!"

T-teka, anong!?

"Same, sameeee! Uh, what do you mean finally?"

"A-ah? Sinabi ko bang finally? Wala, wala! N-naalala ko lang yung commercial. Oo tama! HAHA! Yung--"

"Finally! Ariel happened to meeeeee! One wash clean ang labadaaaaa, magaan sa bulsaaaaa coz it's just seven fiftyyyyyyyy!" At nagsadula pa ang tres marias na umaktong nagkukusot kusot habang kakanta kanta!

Whut the hell? At may choreography pa sila ah! Naghagalpakan kami sa tawa!

"Ayun, yun 'yon! HAHA!"

When love bleeds redTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon