3 - The One With Friends and Adobong Pusit

61.5K 2K 4.4K
                                    


*Play the video during the rooftop scene :))


-------




Chapter 3 - The One With Friends and Adobong Pusit



"Thank you po sa paghatid. Ingat po kayo." magalang kong paalam kay kuyang butler na naghatid sakin na ang pangalan daw ay Harry. Siya rin yung butler na nag assist sakin kanina sa mansion. 


He gave me a polite smile and slightly bowed his head. Kasunod nun ay pumasok na siya sa sasakyan na ginamit niyang pang hatid sakin sa bahay at pinaandar na iyon palayo. I waved my hand one last time hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.


Nang ako nalang mag isa ay naglakad na ko papalapit sa gate. I heaved a deep sigh before pushing the doorbell.


"Sandali!" I heard my mom's voice na papalapit sa gate. 


Mabilis gumuhit ang excitement sa mukha niya nang buksan niya ang gate at ako ang makita. 


"Ay ang anak kong maganda pala!" puno ng energy niyang sabi sabay hila sakin papasok sa loob.


"Dali dali! Sakto naghahanda ako ng meryenda. Pag usapan natin nangyare sa interview mo. Kailan daw start date mo? Magkano offer? Mababait ba sila? May nakausap ka bang Arentsvelt? Anong reaksyon niya nung nakita ka? Tingin mo tumalab ba?" sunod sunod niyang tanong habang hila hila ako papasok ng bahay.


I mentally rolled my eyes because of her last question. Anong tumalab ba?!


Dirediretso lang kaming dalawa papasok sa loob at sobra sobrang excited si mama na mukhang di man lang napansin ang pagbabago ng damit ko at ang benda sa braso ko. Nang makarating kami sa sala ay saka lang siya tumigil sa paghila sakin at inuupo ako sa sofa.


"Kwento mo sakin lahat!" panimula niya nang makaupo na kaming dalawa sabay palakpak pa ng kamay. 


Parang baliw baliw eh.


Nanatili akong tahimik at walang pinapakitang emosyon. Dahil dun nagbago ang reaksyon ni mama. Nawala ang mga ngiti niya sa labi at bumagsak ang balikat. 


"B-bakit anak?" kabado niyang tanong.


I remained silent. Di parin mawala sa isip ko yung mga eksena sa mansyon kanina. Lalong lalo na yung huling nangyare bago ako umuwi. Everything feels unreal. Yung tipong kakauwi mo lang ng bansa mo tapos parang andami ng kakaibang pangyayareng nangyare sayo. Grabe nakaka overwhelm. Lalong lalo na yung parte kung saan...




Pinirmihan ko yung kontrata.

The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon