***DISCLAIMER: THIS PAGE CONTAINS DOCUMENTS WITH ADULT LANGUAGE AND SEXUAL CONTENT. IT IS NOT SUITABLE FOR ANYONE UNDER THE AGE OF 18 AND MAY NOT BE SUITABLE FOR ALL ADULT READERS. VIEW AT YOUR DISCRETION.***
Warning: Bawal sa bata. RATED SPG.
---------------------------
Chapter 45 - The One With Her Dream Date
Wala akong ideya kung saan kami pupunta. Ang alam ko lang, kung saan man yun, malayo. Halos mag iisang oras na kaming bumabiyahe sakay nitong Harley Davidson Bike niya. Umalis kami ng mansyon ng mga alas nuebe ng gabi, di ko alam kung ano yung eksaktong oras, pero ngayon ay mag ten-ten thirty na base dun sa oras na nakapaskil sa instrument cluster nitong motor.
Ibig sabihin, halos isang oras na pala kong nakayakap sa bewang niya.
Walang ni isang nagsasalita saming dalawa nitong buong biyahe. Nakatuon ang focus niya sa pagmamaneho, samantalang ako ay kanina pang kumportableng nakayakap sa bewang niya habang ang ulo ko ay nakadantay sa likod niya.
I can feel the warmth of her skin through the thin lace of her dress. Kung tama ko ng tingin kanina nang lapitan niya ko habang minamaneho niya 'tong motor, ang suot suot niya ay yung lace gown parin na suot niya kanina, inalis lang yung ball skirt sa baba nun kaya naging mini dress na above the knee. She's wearing a leather jacket on top of that, pero ang mga braso ko, nakapaloob sa leather jacket. That's the reason why I can feel her warm skin despite the called breeze of the night hitting my skin because of the speed we're going through.
Magulo parin ang emosyon ko. Hindi parin lubos na nagsisink-in sakin lahat ng nangyare kanina. Mula dun sa pagbaba niya ng hagdan, sa paghalik ko sa kanya sa harap ng lahat, yung pagwawala ni Philip, ni PM, pag amin ko ng nararamdaman ko, hanggang sa pagtahak namin dito sa madilim na kalsada ngayon. Everything is still a big what the fuck to me.
Paminsan ay naluluha ako habang nakapatong ang ulo ko sa likod niya pag naaalala ko yung kabuuan ng mga pangyayare. Mabuti nalang at naka leather jacket siya kaya duda ko na alam niyang umiiyak ako dito. Unless, dinig niya yung pagsinghot singhot ko kahit sobrang bilis ng andar namin.
Pero kahit ano pang gulo ng isip ko, isa lang importante. Sabi ko nga kanina, ang importante kasama ko siya ngayon. I don't know if we're okay, I don't know if her picking me up on this motorcycle is a a response to everything I confessed. I don't know. All I know is that we're together.
Just her and I and no one else.
Lalong humigpit yung pagkakayakap ko sa bewang niya kasabay ng madiin na pagpikit ng mga mata ko.

BINABASA MO ANG
The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)
RomanceFor love, would you play the role of the hero or the villain? An unmasked serial murderer is on the run, and killings are taking place all over the country. What a bad moment for a girl named Skylar Millie Parker to return home after four years in C...