Author's note: This version of the story is UNEDITED. Apologies for the incorrect grammar, spelling, and other writing flaws. I will fix this at a later time.
****
Chapter 53 - The One With Teddy
Pagkadilat ko palang ng mga mata ko, hindi mapigilang ngiti agad ang gumuhit sa labi ko. Sinong hindi mangingiti sa ganda nitong babaeng nakaunan sa braso ko ngayon na ilang pulgada lang ang layo ng mukha sa mukha ko.
Hanggang ngayon, grabe parin talaga yung kilig na nararamdaman ko tuwing gumigising ako na siya ang una kong nakikita.
I'll never get used to this, I'll never get bored of it.
Marahan kong inilapit ang labi ko sa noo niya upang lapatan iyon ng maingat na halik. Her warm body feels like the safest home. I closed the space between our bodies and hugged her tight. The love of my life, my beautiful wife.
Oo na, wala pa. Inaangkin ko lang at akin naman. Claim claim din; paparinig kay Lord, ganon.
Habang mahigpit akong nakayakap sa kanya at inuubos ko yung amoy ng shampoo sa buhok niya't pagkabango bango, biglang tumunog yung phone na nasa ilalim ng unan ko. It's Thera's phone, nag aalarm.
Inabot ko yun gamit ang isang kamay para patayin. It's 6am. Meron siyang revenue meeting ng 7am pero virtual lang naman. Oo, syempre alam ko yung schedule niya. Kaunti nalang mag a-apply narin akong assistant nito.
I poked her soft cheeks, "Psst, ganda, gising ka na," nakangiting pag gising ko sa kanya, pero lalo lang humigpit ang yakap niya sakin at nagsumiksik. That gesture made me giggle. Kawawa naman, pagod na pagod.
Yan kasi, ang wild. Pagod ka tuloy ngayon.
Muli kong sinundot sundot yung pisngi niya, "Wake up, my sunshine. May meeting ka in one hour," but instead opening her eyes, she just groaned. Cute.
Kung pwedeng ako dumalo sa meeting na yan di ko na siya gigisingin eh. Kaya lang, syempre di naman pwedeng ako. Lalo na at revenue meeting yun. Mamaya masampal lang ako ng kahirapan pag binagsakan nila ko ng topic tungkol sa mga milyones na pera. Naimagine ko yung sarili kong nag rereact. Masabihan ko pa silang, luh napaka gastos niyo naman, andaming nagugutom.
Kaya wag nalang. Supportive wife nalang ako.
BINABASA MO ANG
The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)
RomanceDisclaimer: This story is written in Taglish. Another disclaimer: It's bloody, wordy, and GAY. (Alexa, play Don't blame me by Taylor Swift) ---------------- For love, would you play the role of the hero or the villain? Killings have been happening...