47 - The One With Curious Skylar

114K 2.3K 8.3K
                                    


Author's note: This version of the story is UNEDITED. Apologies for the incorrect grammar, spelling, and other writing flaws. I will fix this at a later time.


---------------------------

Chapter 47 - The One With Curious Skylar


Mula sa diretsong pagkakalapat ng likod ko sa malambot na kutson ay iginalaw ko ang sarili para tumagilid dahil unti unti na kong nakakaramdam ng ngalay. For a quick second, I paused. Hindi ako tuluyang nakatagilid ng higa. I slowly opened my still sleepy eyes and a smile quickly formed on my lips when I realized...


Hindi ako nangangalay dahil sa ilang oras na akong natutulog ng nakatihaya. Nangangalay ako dahil sa isang magandang nilalang na siya nakaunan sa braso ko ngayon habang ang mukha ay nakasubsob sa gilid ng dibdib ko.


There's a sensation of numbness on my left arm, but I can also feel how her heart slows to a peaceful beats and how peaceful her breathing is. She's deep asleep. She's sleeping here, in my bed, in my arms.


Sino ako ngayon para mag reklamo sa ngalay na nararamdaman ko diba? Titiisin ang ngalay hanggang maputukan ng ugat.


Dahan dahan akong tumagilid kasabay nang dahan dahan ding pag galaw ng braso ko upang ayusin yung pagkakahiga niya. Pero nang gawin ko yun ay bahagya siyang gumalaw.


"Sshh shhh..." I hushed, worried that I'll wake her up. I don't want to wake her up. She deserves all the rest she could get after everything that happened last night.


Mas siniksik niya pa yung ulo niya dibdib ko nang makatagilid ako ng tuluyan. Hindi ko napigilang mapangiti nang ipatong niya yung hita niya sa bewang ko habang yung isang kamay ay mahigpit na nakayakap sa ilalim ng kili-kili ko. She's hugging me like I'm a big pillow. She's scooping me as if she's not going to allow me to get off this bed without her permission.


I bit my lower lip to control myself from giggling because that might wake her up.


Sayo lang kinilig ng ganto at kikiligin ng ganto habang buhay. Partida, kakagising ko lang neto ha!


At dahil sa pambungad na kilig na naramdaman ko sa umaga, duda akong makakabalik pa ko sa tulog nito. Gusto ko sanang abutin yung phone ko para tignan yung oras, pero nakapatong yun sa bedside table. Medyo malayo, di ko abot lalo na sa posisyon ko ngayon.


I just let out a sigh and decided not to reach for my phone. Linggo naman ngayon, wala naman kaming pasok. Oo, Linggo ngayon pero andito parin ako sa mansyon. Di na nag rest day sa bahay. Aanhin ko yung rest day sa bahay kung yung rest ko eh nasa mismong pinagtatrabahuan ko?

The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon