Chapter 27 - The One With Jealousy Continuation
"Ate Sky..." mabilis kong nilingon si Aiko sa tabi na pabulong tumawag sakin. "Ang ganda ng boss mo tapos sobrang sexy pa. Mukha siyang manika." dagdag na bulong ng bata habang nakatitig kay Thera. Dahil dun ay napatingin din ako kay Thera na kasalukuyang papalabas ng kusina kasama si mama.
Nakangiti si Thera habang kausap si mama. Pero hindi tulad nung dating ngiti niya pag si mama ang kaharap niya, ngayon ay di man lang umaabot yung ngiti sa mga mata niya. Tulad kanina, her eyes are dark and empty. Di ko mapaliwanag pero nararamdaman kong walang kabuhay buhay yun.
Niyaya ni mama si Thera mag hapunan muna bago daw kami umuwi. Mukhang tapos na siyang kumain dahil papabalik na silang dalawa ngayon dito sa sala. Naiwan kasi ako dito kasama nung magkapatid habang nanonood ng pelikula. Di na ko sumama nung pumunta sila sa kusina ng nanay ko. Wala kong ideya kung anong pinag usapan nilang dalawa at tawang tawa si mama na papalabas ngayon sa kusina, may kasama pang paghampas sa balikat ni Thera yung tawa niya.
Nanay ko lang talaga nakakagawa niyan sa kanya. Minsan iniisip ko kung nag jojoke ba 'tong amo ko kapag silang dalawa lang ang magkasama at tuwang tuwa talaga sa kanya 'tong si mama.
Bago makalapit nang tuluyan samin ay kita ko ang pagtapon ni Thera ng tingin kay Mykel. Dahil dun ay napatingin ako kay Mykel na nakaupo sa kabilang dulo nitong upuan. He's also staring at her. They're both looking at each other blankly.
Napalunok ako dahil sa dilim ng tingin nila sa isa't isa. Naalala siguro nila yung huli nilang pagkikita. Kasalanan ko talaga lahat 'to.
"Nak, ano uuwi na ba kayo?"bungad na tanong ni mama nang makalapit samin. Si Thera nanatili lang nakatayo sa likod niya at doon na nakatingin sa nagplaplay na movie sa TV.
"Tita Sophie, pwede po sabay sabay na kami nila ate Sky umuwi? Tapusin lang po yung movie? Gusto ko pa po makasama si ate Sky eh." si Aiko ang sumagot kay mama kasabay nang pagpulupot niya ng kamay sa braso ko. Dahil din sa sagot niyang yun ay napatingin sa kanya lahat. Maski si Thera.
Ang clingy talaga sakin nitong batang 'to.
"Psst, Aiko. Sa bahay nalang natin ituloy yang movie. Kailangan ng umuwi nila ate Sky mo. May pasok pa siya bukas ng umaga." pag saway ni Mykel sa kapatid na ikinasimangot nung bata.
At dahil sa malambot ako sa simangot simangot na yan, "Okay lang. Patapos narin naman yan. Dito muna ko..." sagot ko, sabay tingin kay Thera na nakatitig ngayon sakin. "I mean, kami. I mean, okay lang ba young lady?" tanong ko sa kanya.
Syempre, nagpunta siya dito para sunduin ako eh.
"Okay lang ba sayo hija?" si mama naman ang nagtanong. Di agad nakasagot si Thera. Hula ko may importante siyang gagawin o kaya inaantok na dahil mukhang ready na ready na siyang matulog sa suot niya.
Bakit ba kasi ganyan yang suot niya? Kitang kita yung cleavage niya. Andito pa naman si Mykel. Kuhaan ko kaya 'to ng damit sa taas?
Bago sumagot ay ibinaling niya ang tingin kay Aiko. Kay Aiko na titig na titig sa kanya at mukhang manghang mangha sa itsura ng taong nakatayo sa harap niya. After a few seconds of silence, Thera nodded her head. "It's okay, tita. We'll wait for the movie to be over." she said.
BINABASA MO ANG
The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)
RomanceDisclaimer: This story is written in Taglish. Another disclaimer: It's bloody, wordy, and GAY. (Alexa, play Don't blame me by Taylor Swift) ---------------- For love, would you play the role of the hero or the villain? Killings have been happening...