40 - The One With Thera's Perfume

73.6K 2K 2.9K
                                    

Chapter 40 - The One With Thera's Perfume

Walang imik akong naglalakad. Nakatitig sa nilalakaran ko. Kasabay ng bawat hakbang ko ay ang bawat pintig ng puso ko na hindi na bumalik sa normal simula nang mga pangyayare kagabi. I'm always joking that being in love with her could lead me to my death that's due to cardiac arrest. Now that doesn't feel like a joke anymore.

I feel like I've been having mini heart attacks for the past 12 hours and a cardiac arrest is inevitable.

What did you do to my heart, you?

Kahit naglalakad ako ngayon sa lugar kung saan maraming tao, tila ba ang tanging tunog lang na rumerehistro sa utak ko ay ang bawat tibok ng puso ko, ang tunog na ginagawa ng suot kong sapatos, at ang boses niya. Mga linyang pigilan ko man ay paulit ulit tumatakbo sa isip ko.

I'm now starting to understand the meaning behind every confusing line that came out of her mouth...

'I'm sorry for coming into your life, my sweet Parker. I'm sorry for putting you in all this mess. Things are going to get harder soon, and I don't know how long I could keep you, but please, when worse comes to worst, when you have no choice left, please choose yourself. Turn your back on me, run away, and choose to live your life without me.'

I clenched my fist as if my heart is on my hand. Naalala ko naman yung mga pahayag na nang galing sa kanya na alam kong may mas malalim na ibig sabihin. Akala ko, ang pinakamalala nang pwedeng ibig sabihin nun ay may kinalaman sa pagkasira ng negosyo nila. O di kaya'y isang bagay kung saan masasalangalan ang dignidad namin, bagay na may kinalaman sa napipinto niyang kasal, o pati pagkasira ng career ko at kung ano ano pa. Naisip ko lahat ng bagay na yan at sa kabila ng lahat ng pwedeng mawala sakin, sa kabila ng lahat ng posibleng consequences, desidido akong hindi ko siya tatalikuran. I was willing to give everything up.

But this...

Killing people was not on my Bingo card.

Worst, a serial killer.

"Bebe Sky! Huy!" pag tawag ni Riley sa pangalan ko na siyang dahilan nang mabilis kong pagpitlag. Her calling my name was like a hard kick to reality.

"Sure ka bang okay ka na? Namumutla ka na naman tapos tulala. Eeeh! Di ka pa ata okay eh." pag aalala ni Riley sabay lapit sakin para mas ma check ako lalo. Naramdaman ko ang pagpatong ng kamay niya sa likuran ko kasabay ng paghaplos niya dun.

"Uwi nalang kaya tayo?" she asked. Kasalukuyan kaming nasa mall dalawa upang mamili ng mga grocery sa bahay. Si Riley lang dapat ang mamimili ngayon. May importanteng lakad kasi si mama. Si Luna naman maagang umalis kanina para pumasok sa trabaho, kaya naman ako na nag volunteer samahan si Riley.

Kahit ano pang bigat ng loob ko, hindi ko naman hahayaang mag grocery mag isa 'tong buntis na 'to.

"Ayos lang ako. May inaalala lang." sagot ko sa kanya na halatang hindi siya kumbinsido.

"Eh bakit ang putla putla mo? Nako bebe Sky, ano ba kasi yang nag bobother sayo na di mo sinasabi samin? May pinagdadaanan ka bang problema or di parin mawala sa isip mo yung mga pinakita sayo ni Luna kagabi?" muling tanong niya.

Both, Riley. Both. Everything's connected. I wish I could tell you everything. I wish there is someone I could talk to.

Hindi ako nakasagot agad sa tanong ni Riley, napatitig lang ako sa mga mata niyang nag aalala. Kagabi, matapos nung insidente sa CR kung saan nawalan pala ko ng malay, nagising nalang ako na pinapaypayan ni mama habang pilit akong ginigising nung dalawa. Sa sobrang pag aalala nilang tatlo, tatawag na dapat sila ng ambulanysa. Mabuti nalang at nagising ako bago pa nila magawa yun.

The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon