52 - The One Where He's Back

91K 2.2K 9.2K
                                    


Author's note: This version of the story is UNEDITED. Apologies for the incorrect grammar, spelling, and other writing flaws. I will fix this at a later time.


****


  Chapter 52 - The One Where He's Back


Madali akong naglalakad papabalik sa kwarto ko. I'm almost running, but I'm trying my best not to. Ayoko namang may makasalubong akong tauhan sa bahay na magdududa sa kilos ko. 


Nang tanaw ko na ang kwarto ko at sigurado na kong walang ibang makakakita sakin, doon lamang ako tumakbo ng tuluyan. Agad kong binuksan ang pinto upang tuluyang pumasok sa loob. Kasabay nang pag sara ko ng pintuan ng kwarto ay ang pag tunog ng malakas na kulog. 


It's pouring outside. Mabuti nalang at nakauwi na kami sa mansyon galing sa party ni Harper bago pa kami abutan ng malakas na ulan. 


Napahawak ako sa dibdib ko na malakas parin ang kalabog hanggang ngayon habang nakasandal sa nakasaradong pinto nitong kwarto. 


Tangina! Tangina talaga!


Hindi ko parin lubos mapatanggap ng buo lahat ng impormasyong nalaman ko kay Harper. Halo halong emosyon na naman ang nararamdaman ko, pero nangingibabaw yung galit. Galit para kay Eros Arentsvelt. If Harper's telling the entire truth, then the head of the Arentsvelt family is indeed a monster. 


Matapos nang pag kumpronta sakin ni Harper ay nagmadali akong lumabas ng kwarto niya para bumalik dito sa kwarto ko. Hindi ko na nagawang i-comfort si Harper. To be honest, I don't know how I'm going to. Ni hindi ko nga alam kung paano i-tatake lahat ng nalaman ko. 


I'm sad, disappointed, confused? But on top of everything, I'm wondering...


Why aren't you telling me about any of this, Thera? Kailangan ko pa bang mag tanong para malaman 'tong mga bagay na 'to? Or are you protecting me from all of this? Do you think it's safer this way? Na wala akong alam?!


Fuck it. 


I let out a deep sigh nang kumalma na ang malakas na pagkabog ng puso ko. Dahan dahan ay lumapit ako sa nakasarang pintuan ng walk in closet dito sa kwarto. Binuksan ko yun upang pumasok sa loob. I didn't open the lights. The room is covered with darkness, but it's okay. Kabisado ko bawat kanto nitong kwarto. 


Lumapit ako sa parte ng walk in closet kung saan naroon ang isang maliit na drawer at swivel chair. Sa tuktok ng drawer na iyon ay may maliit na lamp. Tanging iyon lamang ang binuksan ko upang mag silbing ilaw. 

The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon