24 - The One Where They Went To EK Pt. 1

94.2K 2.4K 7.8K
                                    



Chapter 24 - The One Where They Went To EK Pt. 1



Di niya na naman ako pinapansin. Nakailang tingin na ko sa kanya mula dito sa kinauupuan ko, pero maski isang pasada ng tingin, di ko matanggap. Halos pakatitigan ko na nga siya simula nang sumakay kami dito sa van, pero parang di na naman nararamdaman yung presensya ko.



Ano na naman bang nagawa ko?! Okay naman kami kahapon at itong mga nakaraang araw ha?



Kasalukuyan kaming magkatabi sa loob ng van na minamaneho ni manong Rey. Sa harap ay katabi ni manong Rey si manang Pam. Sa gitnang upuan naman nitong van ay nakaupo si Dahila, katabi ng sobrang excited na kambal na hindi mapakali kaka search sa iPad Pro nila ng mga rides na sasakyan nila sa Amusement Park.



Dito sa pinalikurang upuan ay katabi ko ang ate nilang mukhang may galit na naman sa mundo. Dadalawa lang kami sa likod, pero ang laki ng space sa pagitan namin. Hindi sa sinasabi kong dapat magkatabing magkatabi talaga kami dahil baka gusto niya din naman talaga sa tabi ng bintana, kahit di niya naman binubuksan yun, pero kahit na! Ramdam ko na naman yung bigat ng aura niya. Ramdam ko na naman na may kasalanan akong di ko alam kung ano.


Ngayon na naman ba siya mag gaganyan kung kailan papunta kami sa Enchanted kingdom para i-celebrate yung birthday ng dalawang kapatid niya ngayong araw? Napapayag ko naman siya nung Tuesday kahit halos lamunin ako ng kaba makumbinse lang siya.


Ano na namang kinakasungit niya ngayon? Wag mo sabihing nag susungit siya kasi ngayon lang nag sink-in sa kanya na pupunta kami sa Amusement Park at ako ang siyang nagkumbinse?


Maayos naman naging usapan namin nung Tuesday na pumayag siya ah? Bakit ang sungit sungit na naman niyang tignan?



-Flashback-


Hawak ang tasa ng mainit na kape na ako ang nagtimpla, pang suhol, as if gagana, dahan dahan kong tinahak ang daan papalapit sa kulay pulang pinto na kinakatakutan ng lahat. 


Nang matapat ako sa harap ng pinto ay nagpakawala muna ko ng isang malalim na buntong hininga, pampakalma, bago kumatok. Mga nakailang beses na katok din ako pero walang nagbubukas.  


Baka nasa kwarto? O di kaya office?


The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon