64 - The One With The Most Painful Ending

63.9K 2K 6.8K
                                    


Author's note: This version of the story is UNEDITED. Apologies for the incorrect grammar, spelling, and other writing flaws. I will fix this at a later time.


Trigger warning: This chapter consists of heavy emotions. Some scenes may trigger agony, depression, self-harm, and sorrow in some readers. Please read at your own discretion. Thank you!


****

Chapter 64 - The One With The Most Painful Ending


-Skylar's Point Of View-


Mahigpit na hinawakan ni Thera ang kamay ko nang itigil niya ang sasakyan at nag handang lumabas. She opened the car's door and led the way. Hinayaan ko lang siya na hilain ako palabas. Si Luna naman na noo'y nasa likuran ng sasakyan ay sumunod narin samin.


Thera's injured, pero ni hindi man lang niya iniinda yung natamong sugat. Sa paraan ng pag asta niya, parang ayos lang lahat. Hindi kahit anong klaseng pisikal na sakit ang nangingibabaw sa kanya, kung hindi yung takot at pag aalala. When you look at her, you'll see agony. It's obvious that she's anxious but trying to stay as calm as possible. Her hands are cold, I can feel her shaking a little.


Kung pwede lang akuin ko nalang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Kung pwede lang na utusan niya na umuwi na at ako ng bahala, kanina ko pa ginawa. But no, this is her battle. Her siblings are in danger, Philip is the villain in her story. This is her fight and all I can do is to stay beside her and fight along with her until the end.


Ano mang kahinatnan nitong mga nangyayare ngayon, isa lang ang sigurado ko...


Thera's fate will also be my fate. Her battle, her story, her struggles, hindi nalang yun kanya. It's ours.


"Asan sila?" nag aalalang tanong ni Luna. Muling tinignan ni Thera ang phone niya na siyang ginagamit niyang pang track sa location nila Harper. Ang problema, yung phone lang ni Harper ang na tratrace nung tracker, hindi yung sa kambal.


Dinala kami ng tracker ni Thera dito sa parking lot malapit sa kung saan umaattend ng klase sina AM at PM.


Hindi na sumagot si Thera sa tanong ni Luna. Madali siyang naglakad papunta sa tinuturong direksyon nung tracker habang yung kaliwang kamay niya ay nanatiling mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Hindi na muling nag tanong si Luna at sumunod nalang kaming dalawa sa kanya.


Base sa tracker, nasa malapit lang si Harper. We're hoping that it really is Harper and not just her phone dahil yung tracker ay sa phone ni Harper naka install. Meron din yung sa kambal na sa ngayon ay hindi madetect kung nasaan.

The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon