16 - The One With Unexpected Action Pt. 2

51.6K 1.8K 3.8K
                                    



Chapter 16 - The One With Unexpected Action Pt. 2



Nakayuko habang tahimik na nakaupo. Yan ang kasalukuyan kong ginagawa habang naghihintay sa waiting area sa labas ng operating room. Kanina pa ko nag iiwas ng tingin sa mga taong dumadaan sa hallway na 'to.



Paanong di ako mag iiwas ng tingin, halos lahat ng dumadaan natitigilan tapos titig sakin, lalo na dito sa katabi ko. Ni maski isa, walang dumaan sa harap namin na hindi kami pinakatitigan. Andyan pa yung papasadahan ka ng tingin mula ulo hanggang paa. 



Ayoko nalang sana pansinin, kaya lang ang hirap di mapansin lalo na't yung titig nila hindi lang segundo, yung iba minuto pa. Meron pa ngang pabalik balik, kanina pa ko nakakahalata. May tatlong staff pa kanina, ewan ko kung nurse ba yung mga yun o mga intern, halatang nag aasaran. Kunware may naiwan tapos sabi nung iba, sus may sinisipat ka lang.



Ang bigat na nga sa loob nung nangyare kay Oreo, ang hirap pa makomportable sa kinauupuan mo.



Isang malalim na buntong hininga at muli akong yumuko para tignan yung mga kamay kong puno ng dugo. Hawak hawak ko parin yung damit kong ginamit pang tapal sa sugat ni Oreo. Sobrang balot yun ng dugo. Feeling ko kahit labahan pa 'to, di na mawawala yung mantsa at puti pa naman.



Haharapin ko sana si Thera na kanina pa tahimik sa tabi ko, pero bigla akong napaangat ng ulo at napatingin sa may bandang kanang direksyon. Paano, meron akong narinig na tunog click ng camera.



"Uy pre, ano namang pinipicturan mo diyan?" malokong tanong nung isang staff na lumapit sa kapwa niyang staff na biglang nag iwas ng tingin nang tignan ko sila. Kita ko din ang agad niyang pag lagay ng phone sa bulsa.



"Wala pre, tinatry ko lang yung filter sa TikTok." sagot nung staff na nagtago ng camera. Yung mukha niya, parang nagpipigil ng ngiti.



"Gagi, ayos yun ha. Paraparaan." sabi naman nung kasama niya na parang baliw din na nakangiti.



Hindi ako tanga, alam ko yung narinig ko. Alam kong pinicturan nila kami.

The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon