60 - The One With Two Hearts And One Gun Pt. 1

69.9K 2.1K 4.6K
                                    



Author's note: This version of the story is UNEDITED. Apologies for the incorrect grammar, spelling, and other writing flaws. I will fix this at a later time.

Trigger Warning: This chapter contains brutal violence that may not be suitable for all readers. Please read at your own discretion.


****

Chapter 60 - The One With Two Hearts And One Gun Pt. 1


-Skylar's Point Of View-


"I can assure you that your mother's okay. All the laboratory results came out fine, we just have to wait for her to wake up, Ms. Parker. Kailangan din niya ng pahinga matapos nang mga nangyare sa kanya." 


Inalis ko ang hinlalaki ko na nasa bibig na kanina ko pa kinakagat dahil sa sobrang pag aalala. Slowly, I nodded my head while my eyes were fixed on my mom who was peacefully lying on the hospital bed.


Mama...


"Thank you," that was Thera who was standing beside me, thanking the doctor.


May kung ano ano pang dinagdag na paalala si doc. I remained staring an listening, pero parang walang pumapasok sa utak ko. Ang tanging bagay lang na mahalaga sakin ngayon eh yung malaman na okay lang si mama, at yung kagustuhan na magising na siya. 


It breaks my heart seeing my mom on that bed. She doesn't deserve any of this. 


Mama ko...


Di nag tagal ay nag paalam na samin si doc at lumabas na ng kwarto. Tanging ako at si Thera lang ang nandito sa hospital room kung saan naka admit si mama. Pagkalabas na pagkalabas ni doc ay hinila ko yung side chair at nilapit yun upang maupo sa tabi ng nanay ko. Immediately, I reached for left hand and squeezed it enough to make her feel my presence. 


"Mama ko..." my heart is breaking. Agad tumulo ang luha ko kasabay ng pag halik ko sa kamay ni mama. Kanina pa ko iyak ng iyak. Kahit anong assurance pa ang makuha ko sa mga doctor, hindi yun nagiging sapat para tuluyang mawala yung sakit na nararamdaman ng puso ko ngayon. 


Today's her birthday. Dapat nag cecelebrate kami. Dapat nag papahinga siya sa magandang lugar, hindi sa hospital. This wasn't the plan, none of this should be happening. I'll forever loathe those bastards who did this to her. My mom is too precious to experience that kind of trauma she went through during those moments. 


Fuck them!


The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon