Author's note: This version of the story is UNEDITED. Apologies for the incorrect grammar, spelling, and other writing flaws. I will fix this at a later time.
****
Chapter 66 - The One With 100 Letters And One Book
-Skylar's Point Of View-
Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm. Nakakarindi yung tunog ng iPhone, ang sakit sa tenga. Ayaw ko pa sana dumilat, nakailang patay ako dun sa alarm. Pero sunod sunod yun. Halos kada limang minuto tumutunog. Sa ganoong paraan ko kasi siya inalarm.
6:00, 6:05, 6:10, 6:15, 6:20...
Kinuha ko yung phone na nag a-alarm na nang ika-anim na beses. Kasabay nang unti unting pag dilat ko ng mga mata ko ay ang siyang pag bigat ng dibdib ko. For the last time, I closed the alarm with the title 'Wake up!! Class preparation'.
Unti unting gumuhit ang malungkot na ngiti sa labi ko habang nakatitig sa screen ng phone. Sa ganong paraan naka-alarm yung phone ko dahil sa madalas, sa mga oras na ito, kailangan ko ng bumangon para mag handa sa klase...
I felt a direct stab in my heart after realizing that I no longer have to prepare for any classes. I should start deleting these alarms.
Hinila ko yung unan sa gilid ko at doon isiniksik ang mukha ko. There's no use of stopping myself from crying, so the moment I buried my face on the pillow, I started wailing.
"Kambal!" Sigaw ko habang yung mukha ko nakadiin sa unan.
Ilang araw na kong nagigising na ganito ang siste. Sa bawat nagdaan na umaga dito sa mansyon, para bang may kung anong hindi maipaliwanag na bigat ang nakabalot dito simula nang mawala silang dalawa.
Sobrang tahimik ng mansyon, parang may kung anong batas na bawal ngumiti. Maski sila Dahlia, madalas nakatulala lang at mukhang may malalim na iniisip.
It's been more than a week since that incident happened. 2 days have passed since we buried them. We buried PM's body and AM's memories.
Matapos nung insidenteng yun, si PM lang ang naiuwi namin sa morgue kinabukasan. Samantalang si AM, hanggang ngayon ay pinaghahanap ang katawan. Tulong tulong na yung mga rescue team pati narin yung mga tauhan ng pamilyang Arentsvelt para hanapin yung katawan niya, pero wala. Hindi nila makita.
Sobrang lakas ng alon sa lugar na yun. Idagdag pa na may bagyo pala nung araw ng insidente. Ayon sa mga eksperto, imposible pa daw na mabuhay siya sa ganong kondisyon. Bawat nagdadaan na araw, unti unti kaming nawawalan ng pag-asa.

BINABASA MO ANG
The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)
RomanceFor love, would you play the role of the hero or the villain? An unmasked serial murderer is on the run, and killings are taking place all over the country. What a bad moment for a girl named Skylar Millie Parker to return home after four years in C...