33 - The One With The Unwanted Visitor

65.4K 1.9K 6K
                                    


Chapter 33 - The One With The Unwanted Visitor


Parang kong batang maliit na nag ii-skip skip sa kahabaan nitong veranda ng mansion. Halos kakagising ko lang at alas syete palang ng umaga pero sobrang taas na agad ng level ng serotonin sa katawan ko. Abot tenga ang ngiti, kala mo bagong sahod kahit hindi.


Nakasabay ko kasi si Thera sa elevator kanina. Nasa loob na siya ng elevator at may kausap sa phone nang bumukas yun at bumungad ako sa harap niya. Akala ko di ako papansinin. Gets ko naman kung sakaling hindi kasi nga may kausap siya sa phone. Pero nang makita ako, sabi niya sa kausap niya, wait, sabay layo ng phone tapos bumati lang ng magandang umaga. 


Hindi lang basta morning. May good! Sabi niya good morning na may kasamang soft smile. At di lang yun ang kumumpleto ng araw ko, kung hindi pati narin yung nasa daliri niya. Yung ugly ring daw na di niya susuotin, suot suot parin niya. 


Actually, dalawang araw na mula nang nakauwi kami galing Baguio, walang araw na hindi ko nakitang di niya yun suot. Two days in a row, suot niya. Tapos two days in a row din, yung morning niya may good na.


Di na kami nag karoon ng chance makapag usap after nun, kasi nakaayos siya, naka office attire tapos ang ganda ganda as always. Mukhang may importante siyang lakad. Pero bago kami maghiwalay ng landas pagkalabas ng elevator, she looked at me, softly tapped my shoulder, and then she nodded her head as if she's telling me 'I need to work baby---'


Uy! Ang delusyon!


Maaring sa iba ang babaw ng kaligayahan ko. Sasabihin pa nila, luh kinikilig sa bare minimum...yun ang sabi ni Tanya, pero para sakin...


Uyy sinong di sasabog ang matres sa kilig dun?!


I no longer feel like a stranger to her. Achievement unlocked yun sa sitwasyon naming dalawa simula nang naging komprontasyon namin sa Baguio at pati narin yung kasal kasalan with the minions, ramdam kong mas kumportable na siya sakin. Now, that's the reason why I'm smiling and skipping like an idiot in a classic rom-com movie. 


Tumigil lang ako sa kaka-skip nang matanaw ko ang isang babaeng may hawak na basket na mukhang may mga tuyong dahon na dinampot niya sa lapag. 


Speaking of the basher na may nalalaman pang bare minimum lang daw...


Mabilis akong lumapit sa kanya. Dumakot ako sa laman ng basket na hawak niya, which is mga tuyong dahon nga at sinaboy ko yun sa paligid para kunware may pa special effect yung pag dating ko.


"Good morning, Tanya." bati ko gamit ang sweet na sweet na boses. 

The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon